All I can hear is his voice and my heart thumping so fast, ignoring all of their fans shouting their lungs out just to make them be noticed.
I close my eyes to feel his voice and as I open it I saw him smiling at me despite of the crowds, it feels like slow motion happened between us.
He held his hand to me and I try to reach him out but the moment I touched his hand I hear a sound, an annoying sound that makes me go back to reality. I shut my eyes hoping that my dream will continue but...
"Hoy, wake up. Kakain na daw sabi ni Mommy" utas ng kapatid kong kanina pa siguro hinihintay ang aking paggising. Tiningnan ko ang relo na nasa aking tabi.
6:30 am.
"It's too early" wala sa sariling kong binanggit at muling ipinikit ang mata dahil 7:30 pa naman ang start ng klase.
"Bahala ka dyan sa buhay mo!" Dali-daling lumabas ng room ko ang aking kapatid. I'm two years older than him pero minsan lang nya ako tinatawag na ate at lagi pa nya akong iniinis. Narinig ko na may sinigaw sya kay Mommy habang pababa ng hagdanan. I shut my eyes again but my dream already stopped so I decided to get up and take a shower.
Nang matapos akong maligo at makapagbihis ay hinarap ko ang salamin sa aking harapan at unti-unting sinuklay ang aking buhok.
Sinasabi ng mga kaibigan ko na marahil ay masaya daw si God noong nilikha ako dahil biniyayaan daw ako ng magandang pangangatawan at hitsura. Siguro dahil nagmana ako kay mommy dahil maganda sya at maputi na syang aking namana.
Pagkatapos kong magsuklay at mag-ayos ng sarili ay bumaba na ako. I saw my family eating at the dining area.
"Lanayah, sumabay ka na sa aming kumain para magka-energy ka para sa first day mo." malumanay na sabi ni mommy pagkatapos sumimsim sa kanyang tea.
Pagkabanggit ni mommy tungkol sa first day ng klase namin ay kinilig ako dahil magpeperform ang bandang Baseline. Ngayon ko na lang ulit makikita si KA ngayong college na ako. Umupo na ako sa aking usual na upuan at kumuha ng bacon at kanin. Sumisimsim ako ng kape nang biglang sinabi ng kapatid ko.
"Nagmamadali dahil alam nyang makikita ang kanyang hinahangaang bokalista ng Baseline." halos mapaso ang aking dila nang sinabi iyon ng kapatid ko. Tumawa naman sya ng malakas at dali-daling tumayo bago ko pa mabato.
"Mom, alis na ko. May praktis pa kami ng basketball. Bye!" pinandilatan ko naman ang kapatid ko habang hinahalikan sa pisngi si mommy.
Kilala ang bandang Baseline dahil sa galing nila sa pagbabanda at dahil na rin sa bokalista nilang si Kian Alder Cojuanco o mas kilala sa tawag na KA.
"Anak, mag pahatid ka na lang kay Mang Celso dahil mamaya pa ang alis namin ng mommy mo." utas ni daddy habang nakatuon ang atensyon sa binabasa nyang dyaryo. Tumayo ako dahil nakita kong ten minutes na lang before mag 7:30.
"Bye mom, bye dad!" sabi ko habang hinahalikan sila sa pisngi. Lumabas na ako ng bahay at pumasok sa kotse papuntang school.
Habang nasa sasakyan ay tinitingnan ko ang mga tao na abala sa kani-kanilang ginagawa.
Nakakatuwang isipin na lahat tayo sa mundo ay may kanya-kanyang ginagampanan dito sa lipunan sakabila ng mga problema na ating kinakaharap.It's either you are working, you are studying or you are just someone whose trying to figure out what you are really for. I'm pessimistic but at the same time I'm an optimistic. I see my life with a negative perspective but at the end of the day I will be an optimistic and see it in a positive way. Complicated isn't? Haha
Sa lalim ng aking iniisip ay saka ko lang napagtanto na nasa tapat na kami ng school.
"Thank you po, Mang Celso." sabi ko sa driver ng aming pamilya sa mahigit limang taon habang binuksan ang pinto.
"Lanayah, anong oras ka magpapasundo, ineng?" anito habang pinupunasan ang dashboard ng sasakyan.
"Itetext ko na lang po kayo. Sige po, mauna na ako." sabay sarado sa pintuan at pinaharurot na ni Mang Celso ang sasakyan.
Namangha ako sa kalakhan ng aking bagong papasukan. Its seems so surreal, with a big gymnasium and an oval, a modern design of cafeteria and a fountain at the center of the school surrounded by different flowers. Walang-wala ito sa dati kong mga pinasukan. Habang naglalakad sa corridor ng school ay sumulpot sa gilid ko ang kaibigan kong si Dana.
"Tara na! Magsisimula na opening ng Baseline sa gym." anito habang kinikilig sabay hikit sa kamay at dali-daling lumakad.
Malayo pa lang ay rinig na namin ang hiyawan sa gym.
"Go Baseline! Kyaaah pakiss kyaaaah!"
"I love you, KA. Saranghaeeeee...."
"Gwapo nyong lahat!"
"We love Baseline!"
"Baseline forever!"
Samu't saring hiyawan ang naririnig namin ngayon dito sa loob ng gym. May mga dala pa silang banner at balloons. First day ba talaga ng klase o may concert? Mapapatanong ka na lang dahil sa mga nangyayari ngayon.
Natatawa ako habang nakikitang sumisigaw ang mga kababaihan. Naupo kami ni Dana sa upuan na medyo malapit sa stage kung saan magpeperform ang Baseline.
Nagsimulang mag-ayos ng mga mic at drums sa stage. Lumakas ang mga tili nila dahil isa-isa nang lumabas sina KA para pumwesto sa stage.
Magsisimula nang tumugtog ang baseline pero bago ko pa marinig sila na kumanta ay bigla na lang nagdilim ang paningin ko.
Nagising na lamang ako na nasa kama na at puting kurtina ang una kong nasilayan. Babangon na sana ako pero biglang sumakit ang ulo ko.
"Aww" daing ko habang unti-unting bumabangon.
"Are you alright?" nagulat ako nang biglang may nagsalita sa gilid ko.
I immediately turned to my left side and I saw an unfamiliar face but I unconciously dropped my jaw because of how perfect God has created him. With well-defined jawline, pointed nose, long lashes, mamula-mula mulang labi, magulong buhok and expressive eyes, all in all he looks so damn handsome I stopped when I saw him smirking at me uhmm..wait what am I doing?
I snapped back to my senses and coughed.
"Who are you?" kunot noo kong tanong sa kanya. Sasagutin na sana nya ang tanong ko pero biglang bumukas ang pinto at nakita ko si Dana na pawis-pawisan at nag-aalala
Nakita kong seryosong tumayo ang lalaking nakaupo sa aking gilid at ngumiti kay Dana. Nakita ko kung paano natigilan at kuminang ang mga mata ni Dana dahil sa lalaking ngumiti sa kanya. Ngunit bago sya tuluyang umalis ay nilingon nya ako.
"Sana di ka na matamaan sa ulo at dalhin dito habang tulog pero pwede din naman para magkaroon ako ng oras na makita ka dahil lalo kang gumaganda pag natutulog." dinig kong sambit nya nang nakangisi at humalakhak sya bago tuluyang lisanin ang lugar habang napanganga ako pati si Dana ay napanganga na rin.
What?
YOU ARE READING
The Love Trap (On-going)
Teen FictionLife has been great to me for the past eighteen years. Living a normal life is by far the most easiest thing to do but after I saw him,KA, ang band vocalist ng Baseline, singing on the stage that is when I felt something, something that is strange f...