Life"Ok, Class dismissed." sambit ni Ma'am Eden na teacher namin sa isang subject habang inaayos ang kanyang mga gamit.
Agad akong pinuntahan ni Dana hudyat na sabay kami pagpunta sa cafeteria.
Its been almost three months since that incident happened at almost three months na din nang madala ako sa infirmary matapos akong matamaan ng bola. Nothing really happens after that. As a normal student, wala nang iba pang nangyari.
"Let's go, beshie.Gutom na me. Haha." natatawang utas ng kaibigan ko habang nakahawak sa tyan at parang gutom na gutom na talaga. Isinilid ko na sa aking bag ang aking notebook at tumayo.
"Yeah yeah. Tara na." tugon ko at nagsimula na kaming tahakin ang daan patungo sa cafeteria.
Nagsimula na kaming pumila at pagkatapos ay umupo na kami sa may bintana. Isusubo ko na sana ang carbonara sa aking bibig ay biglang nahagip ng aking mata si KA kasama si Ryem na guitarist ng banda. Lumipat sila sa aming lamesa.
"Dana naman, pati ba naman dito sinusundan mo ko." nakangising sabi ni Ryem habang inaasar si Dana. Nakita ko namang nakangising nakatingin si KA sa kanila. Bumaling sa akin si KA nang nakangiti
na siguro'y napansin ang aking pagtitig."Tse. Tigilan mo nga ako. Fyi, this is a cafeteria and nauna kami dito ni Lanayah." ani ni Dana habang iminumuwestra ang tinidor na parang mananaksak.
Tawang-tawang naman si Ryem na para bang mas natutuwa pa sa tuwing nagagalit si Dana.
"Sus, in denial pa. If I know hahaha. Tara na, KA." umalis na sila ni KA palabas ng cafeteria. Pagkalabas nina Ryem ay syang pagkalabas ng inis ni Dana.
"I swear, pag nakita ko ulit sya I don't know kung ano ang magagawa ko. Kainisss." inis na sambit ni Dana sabay subo ng carbonara na kanina pa pala nya binibilog ito gamit ang
tinidor.Pagkatapos naming kumain sa cafeteria ay napagpasyahan muna naming maglibot sa loob ng school.
Habang nililibot namin ang school ay napatigil kami sa may tapat ng gym dahil may naghihiyawan sa loob nito. Nagtaka kami ni Dana dahil wala namang nabanggit sina Ryem na may performance sila o di kaya ay kung magprapraktis man sila ay sa music room sila naroroon.
Hinikit ni Dana ang braso dahil di umano ay titingnan namin ang nangyayari sa loob.
"Prrrrrrrt.... 102- 55. Team A wins." rinig naming pito at sambit ng isang mid-40s na lalaki na mukhang coach ng basketball team.
"Romualdez, Good job." ani ng coach sa lalaking nakatingin sa amin. Sinuklay nya ang kanyang buhok na basa dahil sa pawis gamit ang kanyang mga daliri. Hinarap nya ang coach at nakipag-usap. Wait, sya yung....
"Omg, sya yung nasa infirmary dati diba? Siya nga yon. Ang gwapo talaga nya." tila biglang kinilig si Dana dahil sa kagwapuhan ng lalaki.
I'll admit na gwapo sya, as in, pero para sa akin hamak na mas lamang si KA sa kanya pagdating sa pagkanta.
"Romualdez?I think I saw him na sa TV. Ay oo nga, sya yung MVP ng UAAP. Yung sinasabi nilang 'The great' dahil bukod sa magaling daw sa basketball ay napakagwapo din." anito habang patuloy sa pagtingin sa lalaki. Sumulyap sya sa gawi namin na syang nagpatili sa mga babae sa harap namin.
Tiningnan ko ang aking relo at napagtanto ko na 10:00 na pala.
"Let's go. 10:00 am na." sabi ko kay Dana na syang nagpalingon sa kanya. Tiningnan ko ulit yung lalaki at nakita kong nakatitig sya sa gawi ko. Tumingin ako sa aking likuran at nakita ko na wala namang tao roon. Liningon ko sya at nakita ko ngayon na natatawa sya at umiling. Is he laughing at me? Pinagtatawanan ba nya ko? Umiling na lang ako at hinila si Dana papalabas ng gymnasium.
Saktong pagdating namin sa classroom ay magtse-tsek na ng long quiz.
"If you are all done checking the testpapers, you may all now return it to the owner." ani ni Ma'am Mary habang hinahanda ang kanyang mga gamit.
"Perfect ka na naman, Lanayah." ani ng classmate ko na syang nagcheck ng aking testpaper.
I can say na siguro kaya straight A's ang mga grades ko ay dahil I'm always studying and reading because I want my parents to be proud of me. Gusto ko na makatapos ng pag-aaral at maging kagaya nina mommy at daddy. My mom is a lawyer and my dad is an engineer. Siguro ay nasanay na din ako na mapantayan o mas mahigitan pa ang mga expectations nila though minsan I'll admit na nabobored ako minsan dahil parati lang akong nasa bahay at nagbabasa. My dad is strict kaya siguro ganoon pero alam naman nila na hinahangaan ko si KA but they are always reminding me na dapat pag-aaral pa rin ang unahin and I respect and follow them.
"Class, Who get the highest score?" tanong ng aming guro habang nakatingin sakin. Tatanungin na sana ako ni Ma'am Mary.
"Lana-"
"Lanayah got the perfect score, Ma'am." sabi ng kaklase ko na syang nag-check ng aking papel.
"As expected. Class dismissed." anito nang nakangiti sa akin. Pagkatapos niyon ay umalis na si Ma'am sa aming classroom. Lumipat sa akin ang aking classmate.
"Uy, Lanayah. How to be you po? Hahaha. Beauty and brains ka talaga. Ako kasi beauty lang, hehe" nangingiti-ngiting sambit ng babaeng aking katabi sa upuan habang naglalagay ng lipstick sa labi.
"Hindi naman, Klarisse." tugon ko naman sa sinabi niya."Totoo naman talaga ah. Ang talino mo tapos ang ganda mo pa. Sa susunod,turuan mo naman ako sa Calculus."
anito at parang biglang nalungkot dahil naalala nya siguro ang kanyang score noong nag-test."Okay." sambit ko naman sa kanya nang nakangiti. Biglang lumapit sa akin si Dana at hinila na ako palabas.
"Bakit parang nagmamadali ka?" tanong ko sa kanya nang napansin kong ang bilis nyang maglakad.
"Kasi po we are going to shop." nakangiting abot tenga si Dana pero malamlam ang kanyang mata at pumasok na sa kanyang sasakyan.
"What?" gulat na sambit ko dahil malapit nang mag-6:00 at pag ganoong oras ay sinusundo ako sa school kapag hindi pa ako nakaka-text.
"Don't worry. 5:15 pa lang kaya maagap pa atsaka pag 5:45 na babalik din tayo. Bagsak na naman ako kaya samahan mo ko magwal-wal. Huhu." natawa ako sa kaibigan. Ganito sya kapag bumabagsak sya sa mga subjects ganitong klaseng walwal ang ginagawa nya,nagwawal-wal ng pera hahahaha buti na nga lang daw at mayaman sila kaya madaming laman ang credit cards nya. She's studying naman pero mas nangingibabaw ang temptations nya sa pagce-cellphone kaya minsan sya ay bumabagsak, I tried to tutor her dati pero lagi lang daw nyang nalilimutan kaya tanggap na nya pero gusto rin naman daw nya dahil nakakapag-shopping sya.
Eventhough, my bestfriend is like that I love her so much dahil pag kasama ko sya I'm always like a bird who just flee from all the dodges, life throws at it. I found freedom and I can appreciate the existence of nature itself though I love being in my personal space, being with my bestfriend is like you found another space and that space is where you realize that life is so much more than what we expected.
YOU ARE READING
The Love Trap (On-going)
Teen FictionLife has been great to me for the past eighteen years. Living a normal life is by far the most easiest thing to do but after I saw him,KA, ang band vocalist ng Baseline, singing on the stage that is when I felt something, something that is strange f...