Deserving

7 0 0
                                    

" Sa lahat ng na bugbog ay ikaw pa itong mukhang masaya.. "

Puna ko kay Nick ng nakita ko siya na ang laki ng ngiti habang prenteng nakaupo sa may balcony.

" Eto naman, kapag ba na suntok eh hindi na pwedeng ngumiti?.. "

Pamimilosopo niya pa habang iniinum kung anuman ang laman ng tasa niya.

" Hindi naman. Pero sa lahat kasi ng kakilala kong na bugbog eh ikaw pa lang ang nakita kong parang masayang masaya.. "

sabi ko pa at umupo sa upuan na katapat ng inuupuan niya.

Natawa lang siya sa sinabi ko.

" Haaaay naku, if you only know sweetie.Siguradong mamumula ka sa hiya.. "

Napa kunot naman ang noo ko sa sinabi niya.

" Why don't you share that to me? And let's see what will gonna happen.."

Pag hahamon ko sa kanya.

" Mayron akong nakita, hindi ko sasabihin.. "

He said in a sing song voice while smirking.

" Excuse me po mam sir pero may naghahanap po kay sir Raven sa labas.. "

sabi ng katulong na nasa gilid ko na pala ng di ko na papansin.

" Papasukin mo, at katukin mo si Raven sa kanyang inuukupang silid.. "

sabi ni Nick ng hindi parin nawawala ang ngiti at mukhang mas lumaki pa nga yata ang ngiti niya.

Kunot noo ko naman siyang tiningnan.

" Diba umalis ang damuhong yon kaninang umaga at hindi pa bumabalik?.. "

Imbes na sagutin ni Nick ang tanong ko ay binalingan niya ang katulong na hindi parin umaalis hanggang ngayon.

" Ano yon manang?.. "

" Ah kasi po sir nag bilin po si sir Raven pag akyat niya kanina na ayaw niyang paisturbo kahit sino.. "

Naguguluhang pahayag ng kasambahay.

" Okay lang yon, wag kang mag alala. Sabihin mo lang may naghanap sa kanya importante. Ngayon pag nagalit, sabihin mo ako ang nag utos para hindi ka mapagalitan.. "

sabi ni Nick sa naguguluhang katulong.

Bagamat naguguluhan ay tumango ang katulong at inutusan ang kasamahang papasukin ang naghahanap kay Raven habang ito naman ay pumunta sa silid na inuukupa ni Raven.

" Bakit ginawa mo yon? Baka mag away nanaman kayo. Nakakahiya. kay Ricen at Liza.. "

Saway ko sa kanya.

Narito parin kasi kami sa bahay nina Ricen. Hindi kasi kami pinayagang umalis ngayon dahil darating daw ang mga magulang ng mga ito at nag bilin daw na huwag muna kaming paalisin.

Umalis sandali sina Ricen at Liza upang sunduin ang mga magulang nila. Umuwi narin kaninang hapon ang iba naming kabarkada sa kanila. Nainip siguro sa pag hihintay sakin.

Matapos kasi ang nangyaring insidente kaninang umaga ay pumasok kaagad ako sa kwarto ko at nag kulong doon ng sa ganoon ay walang maka pag tanong sakin tungkol sa nangyari. Lumabas lang ako ng kwarto nang naka alis na ang barkada.

" Isa pa, baka mag kagulo nanaman kayo dito. Wala pa naman sina Liza at binilin sandali satin ang bahay natoh. Nakakahiya naman sa kanila.."

The PromiseTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon