Luzia
"Ma'am, pwede magtanong?" Usal ng kaklase kong kilala bilang isa sa mga pinakabully, pinakamaingay, at pinakabarumbado sa paaralan.
"Ano?" Sagot naman ng guro naming nakatayo sa tabi nito.
"Ano po ang sagot sa number 3 to 5, test 2?" Tanong nito habang nakangisi.
Tumawa naman ang mga kaibigan nito, habang ang iba naman ay pinagsasabihan siyang tumahimik.
Periodical Examination na kasi namin kaya sobrang busy ng aming guro sa pagbabantay sa amin habang sinasagutan namin ang aming test papers.
Napailing ako. Kakaiba talaga itong si Jack. Kung papagalitan ng teacher, nagagalit din siya. Nagdadabog, tumatawa, o lumalabas siya ng classroom kung napagsasabihan. Kung sinasabayan naman siya ay mas nagiging papansin pa ito. Hindi na alam ng aming guro kung ano ang gagawin sa kanya.
May kakambal itong si Jaque. Magkasing tunog ang pangalan nila, ngunit magkaiba ang spelling. Si Jaque ay total opposite ni Jack. Mabait ito, matalino, at masunurin sa guro.
"Titigil ka o gusto mong lumipad?" Usal naman ng isa ko pang kaklase. Siya si Angel. Oo, Angel ang pangalan niya. Bagay naman ito sa kanya dahil ang mukha nga naman niya ay mala-anghel. Pero siya naman ang nag-iisang babae sa classroom namin na kayang patulan si Jack.
Si Angel ang klase ng babae na sinasabi talaga ang tunay nitong nararamdaman kahit pa masaktan ang iba. Ayaw niya ring nadidistorbo sa mga ginagawa niya. Kung didistorbohin mo siya, sigaw at titig ang makukuha mo sa kanya.
"Jack, gusto mo bang isumbong kita sa mama mo? Nakita ko kung ano ang ginawa mo kagabi." Tinataasan siya ng kilay ng isa ko pang kaklase.
Siya ang ideal girl ng halos lahat ng kaklase kong lalaki. Hindi lang kasi ito bungisngis, matalino, maganda, at galing rin ito sa may kayang pamilya.
Ang classroom namin ay isang halimbawa ng DIVERSE CLASSROOM. Hindi lang basta diverse, kundi SOBRANG diverse. May sobrang tahimik, may sobrang maingay. May sobrang matalino, may sobrang slow. May sobrang sungit, may sobrang mabait. May palaging nakasimangot, may bungisngis. May sobrang talented, mayroon namang walang alam kundi kumain ng kumain.
Pero kahit ganoon, natitiis parin kami ng aming guro. Pinapagalitan niya kami, dinidisiplina, at minamahal araw araw. Ramdam namin 'yon dahil kahit ganito ang sistema ng aming classroom ay hindi niya nagawang bumitaw. Minsan nga ay napapapikit nalang ito at sinasabi, "Kayo ang magiging dahilan kung bakit magkakaroon ako ng sakit sa puso."
Kami naman, pag ganoon na ang nangyayari ay agad kaming nagsusulat ng letter sa board para sa kanya. We always say SORRY to her, sa tuwing nasasaktan namin siya.
Nakakatawa nga dahil Grade 10 na kami ngunit ganito parin ang aming asal. Para kaming mga bata na pinapasakit ang ulo ng aming ina.
"Anong pake niyo? Buhay ko 'to!" Sagot naman ni Jack.
"Jack, kung magpapatuloy ka pa sa kaingayan mo, kukunin ko ang test paper mo." Usal ng aming guro na kanina pa nagtitimpi.
"Oh ito na ma'am oh, kunin mo." Sagot ni Jack habang inaabot ang kanyang test paper.
I looked at our adviser. Naaawa na talaga ako sa kanya. She really tries her best to discipline Jack pero iyan parin ang inaasta niya. Marami akong kaklase na pasakit rin sa ulo, pero sobra talaga si Jack. Siya ang 1st honor sa lahat ng pasakit sa classroom. Siya ang BEST IN BULLYING.
Our adviser is still young. Fresh graduate palang ito sa isang kilala na Unibersidad. She graduated Magna Cum Laude sa kursong Bachelor of Secondary Education major in English at the age of 19. Ngayon ay 20 years old na ito. Siya si Philize Demonteverde.
![](https://img.wattpad.com/cover/126217088-288-k885711.jpg)
YOU ARE READING
His Perfect Flaw (PBS #3)
Romance"He's my teacher, and he's my lover." - Luzia Sophia Genggoni