Here we go guyz.... follow me pls. then i'll follow back...Enjoy this chapter...mwauhhh!!! Be open minded ok.....Wag mabubuang kung may mga kakaibang daMoves dito ok? Gutom lang talaga siya sa dugo kaya gagawin niya yun. Ok na?.
"Uy, ano tinitingnan mo dyan?" rinig kong tanong ni Camille, bestfriend ko sabay upo sa tabi ko. Nandito nga pala kami sa Bar. Malapit lang din 'to sa school namin kaya halos lahat ng estudyante nandito narin. Dito narin sila naghahapunan gaya ko.
"Naghahanap ako ng pang dinner nuh?" sagot ko sabay irap sa kanya.
"Ahh. I see. Ee yung crush mong si Joshua di mo ba hinahanap?"
"Bakit asan ba siya?" sagot ko habang patuloy na tumitingin sa mga taong nakaupo sa paligid.
"Aba! For the first time, si bruha di na excite sa kanyang kissable crush." sabi niya sabay wink sa'kin.
"Sabi ko nasaan ba siya?"
"Hhaha... Ayun oh. Sinasayaw ang kanyang soon to be wife. Ahaha... Ok lang yan babe marami pa namang iba dyan ee." sabi niya habang tinuturo sina Joshua.
Tiningnan ko naman kung saan at oo nga. Ang saya nilang tingnan. Para silang perfect match kapag magkasama.
Sa tingin niyo, should I move away from them or I gonna compell Joshua to love me?
"Hoy bruha! Nag-emote emote ka na naman dyan. Hayaan mo na kasi sila at kung iniiisip mo ang pag-compell kay Joshua, please wag na. Ikaw lang din ang masasaktan."
"Camz, alam ko naman ee. Kaya never akong lumapit sa kanya diba." sagot ko sabay inom ng wine.
"Oh? Ee walang gabing di ka nandun sa bubung nina Joshua diba? Binabantayan ang bawat pag-ibik niya. Diba?"
"Manahimik ka nga dyan. Baka may makarinig pa sayo."
"Hay naku. O siya, ganito nalang. Ano ba gusto mong i-dinner ngayon? Actually ako katatapos lang." sabi niya sabay kuha sa'kin ng baso kong may wine at inom nito.
Medyo napangiti naman ako dun sa sinabi niya pero dun sa ginawa niyang pagkuha ng baso ko, eh sarap hiwain ng kanyang leeg.
Tumingin-tingin ulit ako sa mga nakaupo. Ahm.. Ano kaya ang masarap. Yung nerd boy, Artist girl, Jock boy, SG boy? Hmm... Ano kaya?
"Yung Nerd Boy nalang para kahit papaano magkaroon ng laman yang utak mo." sabi ni Camille sabay kalabit sa'kin. Ano tingin niya sa'kin bobo?
"Matalino ako nuh? Di gaya mo." sabi ko. Inirapan ko rin siya at kaasar lang din 'tong bruhang 'to. Tinawanan lang ako.
"Hi."
Hm? Sabay naming nilingon ni Camille ang nasa kanang upuan na pinanggalingan ng boses. Nasa tabi ko yun at OMyWow! May machong nakaupo pala dun habang nakangiti sa'kin. Simple lang suot niya. Naka-V neck black shirt at black pants lang siya pero ang hot niyang tingnan. Para bang bagong lutong dinuguan, ganun siya.
"Ahm hi, I'm Camille."
Inabot ni Camille ang kanyang kamay dun sa lalaki. Ganun din naman ang ginawa ng lalaki. kay Camille.
"Luhan, nice meeting you Camille and you?!" sabi niya sabay tingin sa'kin. Binababa narin nila ang kamay nila. Para akong estatwang di makagalaw dito sa kinauupuan ko nang dahil sa ngiti niya.
Siniko naman ako sa tagiliran ni Camille.
"Uy ano ka ba? Magpakilala kana. Yummy yan bess. Sikat na dancer yan sa School Campus natin."
Ahh... I see.. Ok. Peymous Dancer pala ah.
"Manahimik ka nga." Siniko ko rin siya.
"Hay naku. O sige na nga, alis na muna ako ok?. Enjoy bess." sabi ni Camille sabay beso sa'kin pero may ibinulong muna siya bago pa tuluyang umalis.
BINABASA MO ANG
Vamp University
VampireIsang Wild Lady Vampire kung siya'y iturin. Walang sinasantong sinuman sa buhay niyang walang hanggan ika niya nga. Pero paano kung dumating ang isang taong di niya inaasahan. Mapapabago pa kaya siya nito o ito pa ang magiging sanhi nang di matawara...