C#2 Malala na ang Gabi!!!

383 6 0
                                    

Ito na po yung karugtong...Karugtong lang po talaga 'to. Sorry po sa late UD.

Sige... Enjoy!

gentasia4798

Hinawakan naman ni Jessa ang kamay namin ni Camille pero di siya nakalingon sa'min. Siya ang nasa gitna so I hope na siya ang leader ngayong gabi.

"Pagbinitawan ko na ang kamay ninyo, alam niyo na ang gagawin." sabi ni Jessa.

"ok ok ok....Handa na ko! Handang-handa na ko! Handa na ko!!!!" kabadong sabi ni Camille.

"Manahimik ka nga dyan!" iritang saway ko naman sakanya.. Ingay kasi!!

Mga ilang sandali pa't ininat na ng mga Bavarian ang kanilang mga kamay sabay nang pag-ayos nila ng kani-kanilang panget na pangil. In short Fangs-nget! (Joke) Nangangahulugan yun na handa na kaming salakayin ng mga 'to!!! Pero lugi sila dahil kaming mga Abusian ay may mga especial power liban lang sa'kin. Ahaha... Bakit? Di ko rin alam.

"SHALAKAYYYYYY!!!" sigaw ng isang lalaki.

Masyado nang namumula ang kanilang mga mata habang nagtutulo ang kanilang mga laway. Oo, heto na sila. Mabilis na tumatakbo papalapit sa'ming tatlo.

"Go girls! Let's play!!!!" sabi ni Jessa nang bitawan na nga nya ang kamay naming dalawa ni Camille.

"Ahhh!... Ang papanget ng lahi ninyo!!!" rinig kong sigaw ni Camille sabay salubong ng sipa sa isang lalaking Bavarian. Napatumba niya yun habang may isa pang lalaki ang lumapit sa kanya.

Ako naman.. Heto, biglang pina-ikutan ng tatlong Bavarian. Ewan ko kung paano nila ako nagawang paikutan.

Paikot-ikot sila sa'kin habang ako naman naka-close fist. Handa na kong manuntok at manipa ngayon. Hinihintay ko lang sakanila kung sino ang unang magpapakita ng unang moves.

Inakmang hawakan ng isang Bavarian ang kamay ko kaya agad ko siyang sinuntok sa mukha. Malakas yun kaya napa-upo siya sa ground.

"You b*st*rd!" sabi naman ng isa  pang Bavarian sabay akmang sipa sa'kin pero tumalon ako nang napakataas at sa pagbaba ko agad akong umis-plit. Umikot-ikot  ako sa ground habang naka-split para matumba silang dalawa na nakatingala sa'kin kanina. At natumba nga sila. Agad naman akong tumayo matapos nun. At sa pagtayo ko ay may bigla nalang yumakap sa likod ko nang napaka-higpit. Inilagay niya rin ang dalawa niyang kamay sa leeg ko at inumpisahang sakalin ako.

"Ahhhrr.." sabi ko. Di na ko makahinga dahil sa ginagawa niya. Sobrang higpit grabe!

"Lahat kayo mamamatay!"  bulong niya sa tenga ko. Ramdam ko rin ang pagtulo ng laway niya sa kaliwang balikat  ko.

"K-Kayo y-yun!" sagot ko naman sa kanya sabay hawak sa ulo niya.

Hinila ko yun pababa para mapapunta siya sa harap ko at nagawa ko nga. Napahiga siyang nakatihaya sa harap ko. Kitang-kita ko kung gaano siya  sakit na sakit  dahil sa ginawa ko.

Humakbang ako nang tatlong beses sabay angat nang kanang paa ko para tapakan siya nang malakas kaso, gumulong siya paiwas, papunta kay Jessa.

Tumayo siya at sinipa niya si Jessa sa likod at natamaan niya naman ito dahil nakaharap ito sa isang Bavarian. Napadpad sa basurahan si Jessa dahil narin sa lakas nang pagkakasipa sa kanya habang ako naman sinuntok ng isa pang Bavarian. Ang lakas nagpagkakasuntok niya sa'kin kaya feeling ko natabingi ang isa kong pangil.

"Bastos!" sigaw ko sakanya.

"Itong sayo!" sigaw ko sabay sipa sa ulo niya nang dalawang beses at suntok sa tiyan niya. Napa-yuko siya dun kaya't hinawakan ko ang kanyang kwelyo. Inumpog ko nang malakas ang ulo ko sa ulo niya. Oo medyo masakit sa pakiramdam ko pero kailangan ko yun. OmyGad! Ang aking brain cells!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 18, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Vamp UniversityTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon