1.. Hindi

8 0 0
                                    

Mas maraming POV ata si Marc sa story na to eh.

Mas focus sa kanya ung story. Pero astig pa din siya. Hahaha

♡♡♡

Marc's POV

"Sus naman! Late nako oh, paki dalian pwede?" Hay nako, kahit kelan napaka bagal kumilos netong kasama ko, pustahan late na naman kami neto.

"Sandali naman, eto na bibihis nako oh"

"Magbibihis eh hawak mo na naman yang cellphone mo! Utang na loob Shino ah! Isa na lng tatapon ko na ung phone mo!" Kahit na iPhone pa yan.

"Wag, alam mo naman kung gano kahalaga sakin to, ito na lng ang tanging way para magkausap kami ng baby ko."

"Tss. Baby? Baby damulag ba?Jusko Shino ah, alam mo bang bukod sa pagihi ay yang cellphone mo na lng ang nagpapakilig sayo?"

"Hard mo naman sakin pre, tska fyi di ung cellphone no, kundi ung taong nagpapadala ng messages sakin."

"O? Sigi. Kahit na hindi mo pa personally nameet yang babae na yan eh, babae nga ba yan?" di nga? babae ba?

"Gago ka talaga! Oo babae siya! Hayop ka."

"Gago ka din. Pano ka nakakasigurado?"

"Pakyu! Alam ko naman kung sino ang totong babae sa hindi no!"

"Weshu. Sigi sabi mo e." Pag yan bakla pala, tatawanan talaga kita.

"Palibhasa ikaw, ayaw mong nadidikit sa babae, ikaw na nga nilalapitan nilalayuan mo pa? Ano ka ba? Woman Hater or baka naman bak.." t(-_-t)

"Pakyu ka! wag mo na ituloy, di ako ganun gago! Mas tanggap ko pa na sabihan mo ko ng woman hater."

"Tss. Ewan ko sayo. Himala nga na nagkagirlfriend ka pa eh" Ayos ah!

"Medyo hard ka din e no? Himala talaga? Atleast nga pinatulan ko pa"

"Gwapo mo! Shet! kung tutuusin napaka swerte mo na nga na ikaw pa nilagawan at naging kayo pa ni Paula, she got the looks, the style, attitude and matalino pa, may hahanapin ka pa ba?" Swerte din naman siya sakin kng tutuusin!

"Wala naman na akong hinanap ah? Siya nakipagbreak, so di ko kaslanan okay? Tska pwede ba? Its been 3 months since our breakup kaya kung pwede tantanan mo na ako dun?"

Nakamove on na nga ako, ito parang di pa din okay. 

Ikaw ba ung naging boyfriend.

"Yun na nga pare, 3 months pa lng ung break up niyo nakamove on kana kagad? Eh almost 2 years naging kayo diba? So pano?" Pano?

"Di ko alam. Pero eto alam ko, mali-late na tayo kaya dalian mo na jan."

"Oo na. Pero pare? Minahal mo ba?"

"Hindi." and then I left his room.

Eh sa hindi naman talaga.

*After a few minutes, natapos na din si Shino at papunta na kami sa room namin.

"Gago ka kasi, bakla mo kumilos. Ayan late na tayo." Sabi ko sa kkanya habang tumatakbo sa corridor.

"Sorry na, tska ok lng yan si Ms. Anj naman ang prof, lam na." Ay, wala naman palang kwenta.

Nakarating na kami sa room at pagpasok namin nakita namin si Ms. Anj kausap si Sir. Stan, ano kayang meron?

Since naguusap pa naman silang dalawa umupo na kami ni Shino sa upuan namin.

"Ah, ano, Marc may pinapasagutan si miss. Eto page 34.."

Tumigil na siya magsalita nung napansin niyang nakatingin lng ako sa bintana.

Wala akong ganang makipagusap sa kanya. Di ko nga siya kilala.

"Huy. Grabe ka talaga, ikaw na nga tong sinabihan ini-snob mo pa."

Napaka pakelamero talaga netong si Shino.

"Di naman ako nagtanong ah, tska di ko siya kilala."

"Pre. Si Areann yan, 1 taon na natin yan klasmeyt yan! Ay nako iba ka talaga."Sabi niya.

Ako? Iba? 

Normal lng naman ako ah, kaso nga lng di tulad ng ibang lalaki na kakilala ko na gustong gustong nialalpitan ng babae, ako ayoko.

Ayoko lang, di ko gusto. Naiirita ako eh, pare pareho lng sila. Nakakairita.

Bakit ba ako naging ganto? Mahabang kwento at isasabay ko na lng sa pagpapakilala ko.

♡♡♡

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 03, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PROJECT 101 IS LOVETahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon