CHAPTER 4: AIDAN

42 4 0
                                    

Mag-aalas diyes na ng umaga nang magdesisyon na kaming bumalik sa pamayanang itinayo namin sa kagubatan ng Sierra Madre dito sa bahagi ng masukal na kagubatan ng Aurora. Lahat ay may dala-dalang pagkain at ako lang ang uuwing walang dala. Naging matumal na ang paghahanap ng makakain sa kagubatan kaya napapalayo na rin ang lugar na kung saan ginagalugad namin ang napakasukal na kagubatan. Tulad ng dati ay uuwi na naman kami na ako ang laman ng katatawanan at panlilibak. Ewan ko ba kung bakit madalas ay ako ang minamalas na walang naiuuwing pagkain. Mabuti pa nga si Ato nakakuha siya ng ube na halos sinlaki ng isang katamtamang laking timba. Ako kahit man lang sana isang bunga ng bayabas ay wala akong nakuha para maiuwi sa Tierra de Esperanza na ang ibig sabihin ay Lupa ng Pag-asa.

Oo nga pala hindi ko pa nababanggit sa inyo na ang Tierra de Esperanza ang pangalan ng bagong komunidad na itinayo namin sa gitna ng kagubatan. Kasama kaming nagtayo ni mang Oka sa komunidad nang makasalubong namin ang limang kabataan na nagtatago rin sa kagubatan na iyon. Una ay pito lamang kaming nagtayo ng dalawang maliit na bahay. Pero nang lumaon ay nadagdagan ang mga taong kinupkop namin sa Tierra. Hanggang sa umabot na kami sa halos isang daang katao sa kasalukuyan.

Si Mang Oka ang nagsilbing pinuno sa Tiera at si Rye ang pangalawang pinuno. Si Rye ang ikalawang pinakamatanda sa amin kaya siya ang naatasan bilang pangalawa sa posisyon ni mang Oka. Forty-five years old na si mang Oka habang si Rye naman ay Thirty-eight years old na rin. Si Sandy naman ang pinaka sekretarya ng pamayanan dahil sa aming lahat siya ang nakapagtapos ng kursong Office Administration bago pa man sinakop ng mga Vergati ang buong mundo. Sa edad na thirty-seven ay mayroon siyang anak na sampung taong gulang na lalake na kakamatay lamang noong nakaraang linggo dahil sa kumpkikasyon sa sakit sa bato. Masakit para kay Sandy ang pagkamatay ng kanyang anak na si Jobert, pero mabuti na rin daw iyon para hindi na ito nahihirapan sa sakit nito na mahaba-haba na ring nilalabanan ni Jobert.

Si Alex naman ang pinaka Treasurer ng pamayanan. Siya ang alam naming mapagkakatiwalaan pagdating sa pag-iimpok ng mga pagkain at iba pang mga bagay na makakatulong sa aming pamumuhay sa Tierra. Walang pera sa aming pamayanan dahil sa panahon na'to ay walang halaga ang pera o kahit na mga ginto at mamahaling mga bato. Importante sa amin ang may sapat na makakain sa araw-araw, may malinis na tubig na maiinom, damit na maisusuot at mga gamot na gagamitin at iinumin sa tuwing mayroong nagkakasakit.

Ako naman ay itinalaga bilang tagapangalaga sa mga kabataang nagsasanay sa pakikipaglaban. Sabi nila, ako pa lang daw ang kauna-unahang tao na alam nila na nakapagpabagsak ng isang drone na mula sa mga Vergati. Kaya heto, ako ang itinalaga nila sa combative na pagsasanay. Okay na sana ang pagkilala nila sa nagawa ko, kaso hindi naman ako ang tagapagsanay sa mga kabataan para sa pakikibaka. Ako lamang ang naghahanda sa lugar kung saan sila magsasanay at tagapag sabi kay Master Perry kung kumpleto na ang mga kabataan sa pagsasanay. Ako rin ang tagapaghanda sa tubig na kanilang iinumin kapag pagod na ang lahat at tagapaghanda rin sa pagkain kapag oras na ng miryenda. Alam kasi nila na sinusumpong pa ako ng aking sakit na hika kaya dito nila ako itinalaga.

Maganda ang lugar kung saan namin itinayo ang Tierra. Napapagitna ito sa pagitan ng dalawang tila napakataas na batong pader na bahagi ng dalawang bundok. Makakapal at nagtataasan ang mga punong nakapalibot sa paligid kaya hindi ito mapapansin ng mga lumilipad na drone ng mga Vergati sa himpapawid. Hindi rin nila mapapansin ang mga usok sa tuwing nagluluto ang mga kababaihang nakatalaga sa kusina dahil madalas natatakpan ng mapuputing mga ulap ang paligid lalo na kapag umaga at hapon. Iyon nga lang ay laging umuulan sa Tierra, laging basa kaya halos lahat kami ay may mga alipunga sa paa.

Kung tutuusin ay handang-handa ako sa pakikipaglaban dahil na rin sa pamamalagi ko sa iskwelahan ni Master Perry. Madalas ay ginagawa ko rin ang mga tinuturong Arnis, Karate at Jujitsu ni master at nagsasanay akong mag-isa. Ilang ulit na rin akong nakiusap kay master na isama na niya ako sa regular na klase pero lagi na lang siyang tumatanggi dahil hindi ko raw kaya dahil sa aking kundisyon. Ewan ko ba, may hika lang ako at hindi ako baldado. Pero alam kong darating din ang araw at maisasama rin ako ni Master Perry sa mga regular niyang estudyante. Hinding-hindi ako mawawalan ng pag-asa.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Feb 09, 2021 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

THE DAY THE EARTH HAS FALLENWhere stories live. Discover now