Story writing: sunnyzaideup's style

638 41 7
                                    

Hello, folks!

Hindi naman ako ganun kagaling magsulat dahil baguhan pa lang ako kumpara sa mga beterano/a na dito sa Wattpad at nakapag-papublish na. Alam naman nateng may kanya kanyang style ang mga writers pagdating sa pagsusulat. Kaya naman gusto ko sanang i-share ‘yung sarili kong paraan.

Let’s start shall we?

One. Read as much as you love to write. Read published books. Maaadapt mo kase ‘yung nature of writing ng mga professional writers talaga. Plus, mas lalawak pa ‘yung vocabulary mo na magagamit mo sa pagsusulat. Doon ka din makakakuha paminsan ng inspirasyon.

Two.  Daydream. Daydream. Daydream. Diyan nagsisimula lahat ng pagsusulat. The Prewriting stage. Ini-imagine mo ‘yung itsura ng characters mo. ‘Yung pagkakaiba-iba ng personality nila. ‘Yung scenes. To be a good writer you really need to have a wide and vivid imagination. Pero iwasan naman naten ang pag-dadaydream kung nasa kalagitnaan ka ng lesson(mamaya mabato ka pa ng libro ng teacher mo), trabaho(baka maging huling sweldo mo na that month) o paglalakad sa kalsada(pag nabundol ka hindi mo na masusulat ‘yung naiisip mo). Lol.

Three. “The first chapter sells the book. The last chapter sells the next book.” –Mickey Spillane. Don’t be a cliché. How can you outstand the most kung magiging katulad ka lang din nila, di ba?

‘Wag naman ‘yung first day of school, nagkabungguan then *poof* koko krunch munch munch nagkainlaban!

Iwasang gumamit ng mga alam naman nateng gasgas ng scenes. Alam mo na naman siguro 'yung mga 'yun.

Explore life. I-apply mo ‘yung mga lessons mong natutunan o napanood. Subukan mong i-apply ‘yung sarili mong karanasan.

Four. Sulat lang ng sulat! When you begin drafting, sulat lang ng sulat! Kung anong pumasok sa isip mo, sulat agad. Kung may maisip ka, kunin mo phone mo, ilagay mo sa Memo or Drafts ‘yung keywords ng idea mo para hindi mo makalimutan pag nagsulat ka na. Sabe nga ni Bob Ong, ang pagsusulat ay hindi para sa mga tamad. Dahil oras na nakaisip ka ng ideya, kailangan isulat mo agad ‘yun. Kasi nandun na ‘yung momentum ng feeling mo about dun sa idea na naisip mo eh.

Five. Do some research before you write. Lalo na kung papasukan mo ng kunyaring may malalang sakit si hero/heroine. Dapat bago ka magbanggit, alam mo muna kung ano nga ba talaga ‘yung sinusulat mo. Get your facts straight. In order to spice up your story, you need to fuel not just your imagination, but also your knowledge.

Six. Feel it. Pag nagsulat ka, damhin mo din ‘yung damdamin ng character. Ilabas mo through writing ‘yung nararamdaman mo at lahat ng gusto mong sabihin. Try listening to a song na angkop sa scene na sinusulat mo para nadadala din ‘yung damdamin mo. Kung masaya ‘yung character mo, dapat masaya ka. Kung malungkot, malungkot ka din. Ako kasi pag nagsusulat ng malungkot, talagang gusto ko umiiyak ako pag sinusulat ‘yun. Lol.

Pag action naman ang sinusulat mo, iwasang gumamit ng,

*boogsh!*

*tadyak!*

*sipa!*

*suntok!*

*boogsh!*

Ayun! Tulog ang loko!

Hahaha. Bwesit. Like, whuuut?

Iwasan po naten ‘yun ah? Hindi kasi maimagine ng maayos nung reader. Saan ba sinuntok? Saan sinipa? I-explain mo ng maayos. Nakakabawas ng intense feeling kapag nagbabasa.

Kung ano ‘yung nakikita mo sa imahinasyon mo, isulat mo.

Hal.

Mabilis ko siyang sinuntok sa mukha. “Fck you, a-hole!”

Hinawi niya ‘yung braso niya at malakas itong tumama sa labi’t ilong ko. Aksidente kong nakagat ‘yung labi ko. Fck! Nakakadami na ‘tong lalaking ‘to ah! Napahawak ako sa ilong ko ng maramdamang may likido na lumabas doon. Oh no, son of a btch. Not my gorgeous face.

Sinipa ko ng malakas ‘yung tiyan niya kaya bigla siyang napaupo. Lalapit ako para hablutin ‘yung kwelyo niya ngunit pinulupot niya ‘yung binti niya sa binti ko at mabilis akong pinatid. Bumagsak ako paupo at malakas na nauntog sa gilid ng truck. Napahawak ako sa ulo ko. Naramdaman kong tumigil na ‘yung truck.

 (Chapter 60, Undercover Chic)

Seven. The hero’s POV. Kung ikaw ay babaeng writer, ‘wag gawing bakla ang lalaking karakter ng storya mo. ‘Wag gumamit ng mga words or expression na kadalasang ginagamit nateng girls.

Eto talaga kinakatakot ko kaya ayokong gumagawa ng POV ng lalaki. Baka kasi mamaya maging bakla ang pagkakasulat ko. Lol. Wala din naman akong masyadong kaibigang lalaki kaya hindi ako makapagtanong ano ba tumatakbo sa usapan nila at paano ba nila kausapin ang sarili nila. Hehe.

Eight. Revise times three. Check your grammars and the typo. Syempre mas kaaya-ayang basahin ‘yung storyang maayos. Hindi ‘yung storyang parang may maisulat lang. Avoid too much spacing. Try formal writing. Hindi ko naman sinasabe na dapat error free o perpekto ‘yung gawa. ‘Yung maayos lang sana at masarap basahin. Alam kong nakakatamad paminsan at ubos oras. Pero sabe nga nila, it takes time to create a masterpiece.

Nine. Learn to accept your flaws. Kung may manglait man ng gawa mo, keribels lang! ‘Wag mo ng patulan. Bagkus, pasalamatan mo na lang. Gawin mo na lang motivation ‘yun para a) gawing lesson ‘yung sinabe niya b) patunayan na mali siya. Sabi nga ng gasgas na linya, nobody’s perfect. Let the criticisms mold you as a good writer.

Ten. “A number doesn’t define your skill as a writer.” Definitely. Ang dami daming magagaling na writers ngayon dito sa Watty ang hindi nabibigyan ng pansin kasi kadalasan puro ‘yung may mapupulang numero lang ang binibigyang pansin ng mga mambabasa. Nakakalungkot. Pero it doesn’t mean na hindi ka magaling na manunulat. As long as napupukaw mo ‘yung damdamin ng readers mo at na-eexpress mo ‘yung talagang gusto mong iparating, you’re definitely a good and effective writer. Kung mahal mo talaga ang pagsusulat, writing will never be about the number of reads, votes and comments. Kahit pa iilan lang ‘yung readers mo, learn to appreciate it. Thank them. Lahat naman doon nagsisimula eh. There’s no shortcut to success ika nga. At katulad din ng quote na palagi kong tinatatak sa isip ko, “A professional writer is an amateur who didn’t quit.”

P.S. Pag nasulat mo na ‘yung Prologue at Chapter 1 ng story mo, subukan mong i-consult muna or humingi ng honest opinion, comments at suggestions sa mga kaibigan mo. Makakatulong ‘yun ng malaki. Promise!

So there it is. Sana nakatulong ako kahit konti :)

Story writing: sunnyzaideup's styleTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon