Ang Lubid

219 10 4
                                    

Habang nakatingin sa mga bituin, iisa nalang ang aking naiisip gawin……

Ang buhay na bigay ni Ina’y putulin!

Nasa huli nga ang pagsisisi. Hindi ko man lang nakausap ang Inay ko bago siya pumunta sa langit. Pagkakamali! Pagkakamali! Layuan mo ako! Parang awa mo na! Konsensya! Konsensya! Parang awa mo na tigilan mo na ako! Ayoko na! Tama na!

Nasaktan ang Ina bago siya nawala, titigil sa pag-aaral at magtratrabaho muna, kwentas ni Ina aking ibinenta, mga umiikot sa aking isip, hindi ko na kaya! Lubid na lang nga ba ang titigil sa pagdurusa? Gusto ko na rin kasing makasama si Ina!

“Luisa! Nababaliw ka na ba ha!? Alam mo ba kung ano ang pinaggagagawa mo?” Isang napakalakas na sigaw mula kay Kuya.

Bumuhos ang luha niya. Dali dali siyang lumapit sa akin.

Narinig ko ang mga pagaspas ng paa mula sa labas, mula sa mga lalaking nagbabaraha at iba pang nagbabantay sa burol ni Inay. Nagsiksikan sila sa bintana sa aming bahay, ang iba'y dali daling pumasok sa pinto ng kuwarto , nangangamba, natataranta.

Pumasok si Aling Marites. “Anong nangyari? Bakit? Luisa? Marco? Bakit may--”

“Alam mo naman Luisa na tayo na lang ang dapat magtulungan eh… Bakit naiisipan mo pang magpakamatay? Parang awa naman, hindi ko na makakayang may mawala pa sa atin… Luisa naman” nanginginig na sabi ni Kuya.

Habang inaalalayan ako ni Kuya na bumaba sa mga upuang pinagdugto-dugtong ko, humarap si Aling Marites sa Altar.

“Diyos ko, gabayan mo ang mga batang ito, tulungan mo sila’t bigyan ng ilaw”

“Kuya!” hindi ko napigilan ang luha  ko, yinakap ko siya ng mahigpit. “Sorry! Sorry…”

“Tahan na Luisa, huwag mo nang uulitin ha, mahal na mahal kita”

Isang Daan (Limampu Part II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon