Ang Kwentas

26 6 2
                                    

“Ngayon pala pasukan ng High School?”       

Nakita ko ang dating mga kaklase ko sa daan. Bumalik si Luisa. May halong inggit habang pinagmamasdan ko silang nakabag ng bago, naka uniform, naglalakad na masaya papuntang paaralan. Miss ko na rin ang best friend ko si Shane, at si Marge (Marverick ang tunay niyang pangalan pero mas GIRL daw ang Marge, kaloka). Hayyyy…. Nakakamiss

Napalitan ng saya ang nararamdaman ko noong nakita ko si Rosana, (evil laugh) break na raw sila ni Joey, buti nga!

“Huwag ka nang mainggit Luisa—Betchay pala. Naku! Kinaiinggitan mo ang mga ‘yan eh pakikipaglandian lang naman ang ginagawa nila sa paaralan eh” sabi ni Ate Anne habang pinapasok ang mga soft drinks sa refrigerator.

“Dapat matuwa ka pa nga eh, mas marami na tayo ngayong costumer diba?” angal naman ni Ate Mely.

“Pabili po ng isang soft drink, yung 8 oz. po, at tsaka isa pong Lomi”

Aba! Kilala ko yun ah!

“Ate Erika!? Musta ka na?”

“Oh Luisa..... Eto! First year college na… Ikaw Luisa?”

“Betchay po! Hahaha, wala na po si Luisa. Eto, happy happy happy #HEARTSTONG pa rin. Ano pong course niyo”

“Ah BS in Accountancy, ang hirap nga eh”

“Ah, ate…” Habang linalagay ni Ate Anne sa mesa yung soft drink at lomi niya. “Nasa iyo pa ba yung kwentas na ibinenta ko sa ‘yo?”

“Oo-“

“Talaga po? Uhmmm puwede pong bilhin ko ulit…. Sige na po… Pleaseeeee”

“Nasa boyfriend ko eh, nag exchange kasi kami ng kwentas.  Di ba ang sweet? Makukuha ko lang yun pag nagbreak na kami, kapag kasi suot pa namin ang mga kwentas, meaning love pa namin ang isa’t isa”

Oh naku! Paano yan? Paano kapag hindi sila magbreak! Kailangan kong gumawa ng SOMETHING! Wahahahahaha!

Isang Daan (Limampu Part II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon