Isang Daan <3

29 6 4
                                    

S

O

R

R

Y

A

T

E

Naku! Ang dami ko nang utang kay KONSENSYA!

Alam kong hindi tama ang ginawa ko pero ginawa ko pa rin. Ang Tanga Ko! Super.

“Pero Nay, hindi pa rin ako susuko sa kwentas…” bulong ko sa sarili ko.

“Betchay, samahan mo nga ako sa bilihan, wala kasi ngayon si Kuya Roberto eh, may sakit” pakiusap ni Kuya

“Hug mo muna ako!”

“Eto naman oh… Huwag na nga lang”

“Joke lang Kuya…. KJ naman nito, LOL” yinakap ko siya ng mahigpit… Mahal ko yata ‘tong kuya ko!

***

Tinulungan ko si kuya sa pagpili ng mga bibilhin. Tinulungan ko na rin siyang tumawad ng mga bayad. Tinulungan ko na rin siyang magbitbit nito… In short, matulungin ako. Chos!

“Tricycle!” tawag ni Kuya…

“Idjay to man Carinderia ni Sanchez abay ti eskuwela ti high school manong” sabi ni Kuya ko (Ilocano yan, ang ibig sabihin: Sa Carinderia ni Sanchez nga po na malapit sa High School)

Papasok na sana ako sa tricycle nang…

“Kuya, mauna ka nalang… Susunod nalang ako… Please… Thanks…” inilagay ko sa tricycle ang lahat ng bitbit ko, hindi ko na pinakinggan ang mga sinasabi ni kuya. Bilis kong sinundan si Kuya Riko! Totoo na ‘to. Bumaba siya ng kotse kaakbay ang isang babae, hindi siya si Ate Erika, sigurado ako.

Pumasok sila sa isang fast food.

Kinapa ko ang phone ko… Hinanap ko ang number ni Ate Erika, ready to dial na once na mapatunayang babae nga ni Kuya Riko ‘to.

Pumunta sila sa second floor ng fast food, sa tabi mismo ng hagdanan…

“Anong gusto mo? Treat ko na sa ‘yo ‘to” tinig ni Kuya Riko yun

“Ang sweet naman ng babe ko…. “

Babe? Babe pala ha!

Dali dali akong pumunta sa CR,

Ate Erika, Dial.

Decline.

Isang Daan (Limampu Part II)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon