Sana Lahat

4 0 0
                                    

"Like our memories that are fading away,
I am standing in white fog."

-Sa bawat segundo, minuto, oras o araw na dumadaan. Still, ikaw parin ang mahal kahit na matagal mo nang tinapos ang lahat.

"Your bright smile is getting blurry,
I am afraid i'll forget it."

-Hindi na ba talaga kayang ibalik ang lahat? Hindi ko kayang kalimutan lahat ng pinagsamahan natin kahit na sa tingin ko'y napakadali lang ng mga iyon sa'yo na kalimutan yon. Lahat ng pinagsamahan natin, ikaw at ako. Yung dating tayo. Madali lang lahat ng 'yon para sa'yo

"I close my eyes but I see you,
Do you know how much i miss you?"

-Ipinikit ko ang mga mata ko, pinipilit na sana balang araw hindi na ikaw ang nakikita sa bawat pag-pikit ng mga mata. Mga mata na laging namumula mula sa pagluha. Pagluha na naglalarawan kung gaano na kita gustong makita at makasamang muli.

"Past the misty road if you are looking for me,
Will you follow the moonlight road?"

-Kung babalik ka man sa'kin, hindi na mag-aalinlangan pang ika'y muling tanggapin. Matagal ka nang napatawad. Kaya paki-usap, bumalik ka na sa'kin.

"If only the flowers of our spring day can bloom again.
If only we could go back, how nice would it be?"

-Kung mababalik ang dati? Kung mababalik tayo on how we used to be back then, sa tingin ko yun na ang magiging pinaka-masayang araw ng buhay ko. Sana nga.

"If time slowly passes,
Will my pain fade away like the fog?"

-Sa aking palagay, itong hapdi at kirot sa dibdib ay pang habang-buhay na. Buhay nga ako physically pero patay na ko, matagal na kong patay emotionally. Sa'yong pag-iwan.

"You get darker in my memories,
I'm afraid you'll get erased."

-Kung ikaw ba'y kayang burahin ng ala-ala, kaya ka rin bang burahin ng puso ang nararamdaman nito para sa'yo?

"..Some day, infront of you.
I will be standing there..."

-Sa araw na haharap ako sa'yo, sana tayo'y magkasama at magkaharap sa altar. Nangangako sa Diyos na mamahalin ang isa't isa sa pang habang-buhay.

Sana LahatWhere stories live. Discover now