Well, jake is a 20 years old, 4th year college,handsome guy, simple naman siya, may dimple, and magaling mangasar.
Tinatawag siyang Pa-fall sa skwelahan nila dahil, mabilis nagkakagusto ang mga babae sakanya,ngunit isa lang ang nagustuhan niya.
Si Kath Stair ay isang babaeng naging close ni Jake, Si Kath ay may crush kay Jake at lagi niya itong sinasabayan pero, di niya to pinapaobvios
Isang araw, si jake ay nagising ng alasingko ng umaga, nag ready na siya para papuntang skwelahan, nakita niya si Kath lumalakad habang walang kasama, napadalawang isip si Jake, pero natuluyan parin itong lapitan si kath.
"Hi kath, papunta kabang skwelahan?"
"Ay ikaw pala yan jake, oo papunta ako ng skwelahan, at bakit ka naman nandito?"
"Uhhhmm, Wala kasi akong kasama papuntang school"
"Sakto! Wala rin naman akong kasama papuntang school"
Si Jake at si Kath ay nagsabay patungo sa skwelahan, magkaklase ang mga ito ngunit iba lang ang lugar kung saan nakaupo.
Ilang minuto na ang nalipas, si Jake at si Kath ay dumating na sa classroom, sabay pasok at sabay goodmorning sa adviser.
"Good Morning po sir Anthony!"
"Magandang umaga rin sa inyo Jake at Kath, maari na kayong umupo"
"Salamat po sir anthony"
Nagumpisa na ang kanilang unang klase, pero si Jake ay hinding hindi maiwasan na titigan si Kath, si Kath naman ay di napapansin si Jake, kumuha si Jake ng papel at nag sulat siya ng nakakakilig na salita para kay Kath.
"Kath, Di ko mapigilang titigan ka ng malalim"
Sabay reply ni Kath kay Jake
"Jake, ang aga-aga pinapangiti mo na ako ah?" Sabay ngiti ni Kath kay Jake
"Alam mo bakit ako titig ng titig sayo? Dahil sa sobrang ganda mo"
"Di naman siguro Jake, HAHAHAHAHAH kapal mo"
"Seryoso ako Kath"
Ngunit nahuli sila ng Adviser nila, at kinuha agad ang papel na sinusulatan nila.
"Kath?Jake? Ano to? Kasali ba ito sa ating leksyon? Pwes, lahat ng mali may parusa"
Pinatayo ang dalawa sa labas ng classroom, at bigla nalang umulan.
"Jake, ang lakas ng ulan, anong gagawin natin?"
"Kath, subukan nating tumakas"
Sabay bantay ng mata sa kanilang adviser, at dahan dahan na itong tunakas at umiwas sa ulan.
Gutom na ang dalawang ito at kumain sila sa Malapitan na Restaurant at nilibre ni Jake si Kath.
"Jake, thank you talaga dahil nabusog na ako,at nakatakas na tayo kay sir Anthony"
"Walang anuman Kath,nandito lang ako lagi para sayo"
Tumigil na ang ulan at umuwi na sila sa kanilang mga tahanan.
Nagpalit sila ng mga damit at namasyal sa mall, at bumili ng mga nangangailangan, pero dahil sa sobrang saya ni Kath nag pasalamat siya kay Jake at di na pala akalahin ni Jake na nahuhulog na si Kath sakanya.
BINABASA MO ANG
5 Reasons
Teen FictionJake Dwights is a brokenhearted boy who is still searching for his broken heart. Kath Stairs is the Ex-girlfriend of Jake Dwights Humahanap siya ng paraan para lang makapagmove on ulit. Pero isang araw may nakilala siyang babae na si Clarisse Smith...