Chapter 1 ~

11 0 0
                                    

Chapter 1- The UNIVERSITY and HIM :)

"Quadton University" mahina kong sabi sa sarili

Kamangha-mangha ang skwelahang ito. Pangalan pa lang ay sosyal na buti nalang at nakapasa ako sa entrance exam. Pagpasok ko pa lang ng gate ang ganda ganda na :D Pero bigla na lang akong nahiya nang makita ko yung mga suot nila. Mga kung ano anong branded na kaek-ekan. Ako naman naka t-shirt at jeans lang na sa ukay-ukay ko lang naman nabili.

Pero buti at nakapasa din si JC hindi ako nag-iisa. Pero parang ang weird ng "Quadton" na name. Saan kaya galing yun? hhmmmmm hinawakan ko ang baba ko na tila ba nag-iisip ng sobrang lalim ng may nagsalita

"Hoy! Dj. Anyare sayo? tulala ka diyan?. Alam mo na ba ang kamangha-manghang history ng Quadton University?"  sabay yugyog sa magkabilang balikat ko.

"Aray naman JC! Hindi pa. kakarating ko lang" agad na nadismaya ang kanyang mukha. ano bang meron? pwede paki-explain?

"Hay.. Alam mo Dj, sleepyhead ka talaga!. Ewan ko ba kung bakit ka ganyan eh mga mayayaman lang naman ang ganyan bihira yan sa tulad natin. tsss" ehh ano naman? ganito ako ehh. "Atsaka, ang kinis ng balat mo kahit hindi pantay ang kutis ng balat mo. Marunong ka bang gumamit ng mga sabon or ano mang makakapag equal ng kulay ng balat mo?"

"Ewan ko sayo JC! Tara na nga!" HInila ko siya papasok sa Campus at may nakita kaming parang tour guide ng school siguro siya yung last year's president ng student council.

"Since bago kayo sa University na ito, ako ang magsasabi ng lahat-lahat tungkol ditto sa Quadton University. First of all, nagsimula ito noong year 2000. It was built by 8 persons who were couples, so I should say it was 4 couples na mag babarkada ang nagtayo ng university na ito . That's why it is QUAD".

Okay. Saan galing yung TON?

"These 4 couples were really close. They are the Raigeton, Odelleton, Sadiston, and Mondeton. Weird surnames right? Lahat nag tatapos sa TON. Kaya nga QuadTON. Each couples had their own heiress. Ngayon ay nag-aaral rin ditto." pagpapatuloy niya sa naunang pagpapaliwanag

 Haba ahh. pero ang astig nung history ng school nito. kakaiba :D Pumunta kami dun sa museum ng campus.

 There I saw a familiar guy in a frame, may kasama siyang babae I think it's his wife. May nakalagay sa ilalim ng napakalaking frame, ang nakaukit na apelyidong RAIGETON. Yung mata nung lalaki familiar talaga ehh, yung pagka fierce ng mata niya parang nakita ko na.

Hindi mawala sa isip ko ang lalaking nakita ko kanina sa museum. Kabisado ko yung ganung mata eh, at alam kong nakita ko na talaga ito. Naantala na lamang ang aking pag-iisip ng mabangga ako ng isang taong di ko kilala. (malamang)

"Araay naman! Pwede bang tumingi---" pag-angat ko ng ulo ay nakita ko ang isang napakagwapong nilalang ang ganda ng dimples niya plus yung pilikmata niyang mahahaba pero not to mention mas mahaba yung akin noh! hahaha

"Sorry Miss! nagmamadali lang kasi ako eh. Late na ako sa first class ko"

Nag-ring na pala yung bell, late na rin ako. Kanina pa kasi ako hanap ng hanap sa classroom ko. Kanina pa kami nag hiwalay nung lintek kong bestfriend.

"O-Okay lang naman. Hindi naman ako masyado nasaktan ... A-aray"

"Talaga bang di ka nasaktan?" and he chuckled. ay shet magkakasala ako ..

"Oo na nasaktan na ako pero di naman ganon kasakit."

grabe toh si Kuya kung makatitig parang nilulusaw ka ahahahaha. Ako naman eto kulay kamatis . Pero napagmasdan ko ang mukha niya and to my opinion he has perfect features!

"BTW, Im Amiel, Amiel Clifford Sadiston. And you are?" Sadiston?Narinig ko na yun ah. Saan ko nga ba yun narinig? What?! SADISTON? i-isa siya sa mga anak ng may-ari ng school na toh? Bad encounter Daniela..

"Me? Who Me? Ahh, hahaha a-ako si ano, ano nga ba yun?" and I hear him chuckled again. naku what's happening to me? " I-Im Daniela Jazziell Reyes"

"Oh nice name. Ano nga palang section mo?"

Hala oo nga pala may klase pa kami -_- .

"1-F1" yung unang 1 means 1st year college and F1 yung section ko. Mataas kasi average ng entrance test ko eh. Tss Ako pa? hahaha

"We're the same. So uhhmm Let's go?"

" Okay" ang Gwapo niya talaga. pinanuod ko siyang maglakad kasi nauna siya sa akin eh. ang ganda ng likod niya naka tshirt lang kasi siya at pantalon Kita mo yung pagkabatak ng muscles niya kahit naka tshirt siya. Gaahd ako'y magkakasala. Paano pa kaya kung topless siya?

Nakarating kami sa class na wala pa ang adviser namin. And we didn't have afternoon classes because of the emergency meeting of the teachers

Hopeless LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon