Isang grade 9 student si Clarisse Tan sa isang pampublikong paaralan, hindi rin sila mayaman ngunit nakakaraos naman sila araw araw. Pang apat sya sa limang magkakapatid at nag iisang babae nang pamilyang Tan. Hindi lingid sa kaalaman nang bata na strikto ang kanyang ama, at mapagbigay naman ang kanyang ina. Lumaki itong may takot sa Diyos, ngunit hindi nito natuloy ang kanyang paninilbihan sa simbahan sa kadahilanang nataliwas ang kanyang daan patungo sa tamang kinabukasan.
***
"Clarisse tumayo kana dyan at mahuhuli kapa sa klase mo pag nagpatuloy kapa sa iyong pagtulog!" sigaw ng kanyang ina na ang pangalan ay Joyce."Tatayo napo ma!" ani nito
Tumayo ito sa kanyang higaan at nag inat, dumertso ito sa labas at nadatnan ang nanay na nagluluto nang kanyang aalumusalin at babaunin sa kanyang pagpasok.
"Anong ulam ma?" Tanong nito
"Itlog tsaka sinangag anak, yung babaunin mo okay lang ba kung hotdog muna? Hindi pa kasi nagpapadala ang papa mo e" Sagot ng kanyang ina.
"Okay lang po, pagkakasyahin ko nalang po mamayang tanghalian" Ani ni Clarisse
"Mabuti naman at naiintindihan mo ang ating pamumuhay, osya kumain kana at baka mahuli kapa sa klase mo"
"Sige po ma"
Nang matapos itong kumain, naghanda na ang dalaga para sa pagpasok sakanyang skwelahan.
"Ma alis napo ako, mag iingat po kayo dito pag alis nila kuya!" sigaw nito sakanyang ina habang nagmamadaling umalis dahil baka ito'y mahuli sa klase.
Lakad takbo ang ginawa ni Clarisse papunta sa kanyang skwelahan, hindi ito pwedeng malate dahil unang pasok nya ito bilang Grade 9 student. Nang maka pasok sya sa gate ng kanyang pinapasukan...
"Haaaay nakaraos din" bulong nya sakanyang sarili at nagtitingin tingin at baka may nakarinig sakanya at masabihan syang baliw. Nagpatuloy ito sa paglalakad upang hanapin ang kanyang classroom, sa sobrang busy nya sa paghahanap hindi nya namalayang nabunggo nya ang isa sa mga maloko nyang kaibigan.
"Ano ka ba naman Cla! Baka maduling kana dyan huy!" Bungad nang kanyang kaibigan na si Angel.
"Sorry naman, hinahanap ko kasi yung room ko" ani nito
"Teka ano bang section mo? Sayang at hindi na tayo magkaklase" kunwari'y nalulungkot na sabi naman nito
"Camia gel, ikaw ba?"
"Jasmine ako, ay teka yung room mo sa taas yata sa tabi nung building ng first section" ngingiting sagot ng kanyang kaibigan.
"Ah osige alam ko yun, gusto mo ba akong samahan? May 20mins pa pala bago magsimula ang klase napa aga ang alis ko sa bahay"
"Sige tignan natin sino ang mga bagong kaklase mo bes!" Excited na sabi nito.
Habang naglalakad silang magkaibigan, sumagi sa isipan ni Clarisse ang kanyang papa. Kamusta na kaya ito at bakit hindi pa sya umuuwi simula nang matapos ang eleksyon? Mukhang nag aalala na kasi ang kanyang ina simula nang hindi sya magparamdam.
"Ay bes lumampas kana sa roon mo oh. Yang iniisip mo abot langit na hala sige pasok!" Agaw pansin ng kanyang kaibigan.
Hindi nito namamalayan na lumampas na pala sya sakanyang pinupuntahan.
YOU ARE READING
A Love To Last
Teen FictionIsang dalagitang babae ang may pangarap na gustuhin nitong matupad, ang maka pag tapos sa pag aaral, maka ahon sa hirap ang kanyang pamilya at maging isang ganap na sikat na vlogger. Matutupad pa kaya nya ito sa pagdating nang delubyo sa kanyang buh...