Kinakabahan itong tumingin sa harapan at nag isip kung tatanggihan nya din ba ang alok nito tulad nang ginawa ng kanyang kaibigan.
*bell ringing*
"Hi friend! Sabay ako sayo pauwi!" bungad sakanya ng bago nitong kaklase.
"A-ah kasi sabay kami ni Angel baka magalit sya sakin" nauutal naman nitong tugon.
"Hay nako para kang aso na sunod sunuran sa bruha mong kaibigan!" Pasigaw nitong sabi.
"Lagi kami kasi magkasabay ng kaibigan ko dati pa, kaya baka magalit sya kung makita nyang magkasama tayo" maayos na paliwanag nito na parang kinukumbinsi sya.
"Ah uh sabay nalang ako sainyo ng bruha mong kaibigan, promise I'll behave!" wala na itong nagawa at tumango ito na parang ibibigti na.
"Okay good! Now let's go I'm tired na arrgh!" Maarte nitong sabi.
Sabay silang naglakad papunta sa daan kung saan sila magkikita nang kanyang kaibigan.
"Oh Cla bat kasama mo yang anak ni satanas?" Bungad sakanya ng kanyang mabungangang kaibigan.
"Nagpumilit kasi tsaka nangako yan na magpapakatino daw" Sagit nito at tinuro nya ang kanyang katabi na ngayo'y nagrereklamo dahil ang init init daw.
"Matagal paba yang tsismisan nyo at ang init init na dito?!" Naiirita nitong sabi habang nagpapadyak na parang batang inagawan nang candy.
"Eh kung nauna kana edi sana may nagawa ka pang matino!" Pasigaw na sabi ng kanyang kaibigan sa bago nitong kaklase.
Ayan na naman po sila, sabi sa isip nang dalaga na para bang wala na itong nagawa kundi ang pagtiisan ang kaingayan nila.
"Bakit ba nakikielam kang basura ka ha?!" hamon ng babae sa kaibigan nito.
"Alam mo Venice ang ganda na sana nang pangalan mo, dinumihan mo lang sa ugali mong nakaka punyeta!" sigaw naman nito.
"Mind your own business girl" maartr nitong tugon.
Kailan kaya sila magkakasundo? Para silang aso't pusa kung magbangayan dinaig pa ang ingay nang aming chismosang kapit bahay, sabi nang dalaga sakanyang isip habang nanonood sa dalawang bulto na nag aaway akala mo e wala nang bukas.
"Hindi paba kayo uuwi? Gosh why so mainit earth?!" nawawalan ng pasensya nitong sabi.
"Gora na girl hindi ka namin pinipigilang umalis, tsaka kasalanan mo yan suma sama sama ka kasi kala mo naman makakayanan mo 'to? Ha! No way! Duh!" sagot ng kanyang kaibigan na akala mo e naki pag sagutan sa isang contest.
"Hindi ko na talaga kaya! Mainit na nga ang ingay ingay mo pang basura ka! Oh btw, bye Clarisse! See you tomorrow! Bye bunganga girl!" nakangiti ngunit nakakainsulto nitong sabi saamin pagkatapos ay umalis na.
"Hoy ikaw naman babae, anong nakain mo at naki pag kaibigan ka dun sa bagong salta na yun ha? Ayaw mo na saken?!" pagdadrama nito.
"Hay nako Angel, ang ingay ingay mo! May speaker ba yang lalamunan mo ha? Tsaka kaya ko lang naman yun sinama kasi hindi ako tinitigilan sa classroom eh pambihira kaklase ko na nga, katabi ko pa!" Mahaba nitong paliwanag sa maingay nyang kaibigan.
"Oh eh paano natin mapapatigil yung bruhang yun?" Mahinahon nitong tanong.
"Ewan ko ba, bahala na. Basta hanggat kaya ko pang magpigil kakayanin ko. Kilala mo naman ako diba"
"Osya tara na at bumili tayo nang maka kain habang hinihintay yung pogi mong kuya at eheeem libre ko na naman ateng!" maingay na naman nitong sabi.
Kailan kaya ito magsasalita ng hindi sumisigaw, para itong laging sangkot sa gulo sa ingay ng kanyang bunganga.
"Oh bes bukas samahan moko sa mall pagkatapos ng klase nay bibilhin lang ako ha? Ha?" pangungulit nito kay Clarisse.
"Oo na! Sasamahan na kita!" nawawalan ng pasensya nitong sagot.
Habang naglalakad sila papunta sa malapit na tindahan may nakasalubong silang lalaking nagmamadali na parang hinahabol ng aso. Muntik nitong natulak si Clarisse ngunit hindi ito humingi ng tawad sa halip ay nagpatuloy sa pagtakbo ngunit wala namang humahabol sakanya.
"Bes nakita mo yun? Ang wirdo para yatang takas mental" natatawa nitong sabi sakanyang maingay na kaibigan habang bumibili nang tinapay at soft drinks.
"Ha? Nasaan? Hindi ko nakita e" inosente nitong sagot habang binibigay ang isang tinapay at isang soft drinks.
"Salamat ah? Hayaan mo pag naka ipon ako, babawi ako sayo" nakangiti nitong sabi.
"Wala yun ano kaba, magkaibigan tayo diba?"
"Oo na pakiss nga" natatawang biro nito.
"Mandiri ka nga Clarisse Tan!" nandidiri nitong sagot.
Tumahimik naman ito at hindi na muling sumagot pa dahil paniguradong mag iingay nanaman ang kanyang kaibigan. Napapangiti ito sa isiping napagtiisan nito ang kaingayan at kadaldalan dahil ito lamang ang matino nitong kasama at kaibigan simula pa noon.
"Oh ayan na pala yung pogi mong kuya at makaka uwi kana!" sigaw ng kanyang kaibigan na syang bumasag sa naglalakbay nitong isipan.
"Oh paano ka? Ayaw mo bang sumabay?" alok nito sa kaibigan habang papalapit na ang bulto ng kanyang panganay na kapatid.
"Cla tara na, hinihintay kana ni mama" bungad ng kanyang kuya habang inaalis ang helmet sa kanyang ulo.
"Hindi na sige, may sundo rin naman ako at paniguradong malapit na yun. Mauna kana mag iingat kayo!" sigaw nito habang kinikilig.
Natatawa naman itong tumango at lumapit sakanyang kuya upang kuhanin ang isa pang helmet proteksyon sakanyang ulo. Dali utong sumakay sa motor ng kanyang kuya at saglit pa itong lumingon sakanyang kaibigan at nakangiting kumaway.

YOU ARE READING
A Love To Last
Teen FictionIsang dalagitang babae ang may pangarap na gustuhin nitong matupad, ang maka pag tapos sa pag aaral, maka ahon sa hirap ang kanyang pamilya at maging isang ganap na sikat na vlogger. Matutupad pa kaya nya ito sa pagdating nang delubyo sa kanyang buh...