FRIENDZONED . .

403 8 2
                                    

A/N: Hello there! First story ko 'to. Sorry kung di masyadong professional ang pagsu-sulat ko :3 hehe. 

================================================================

Vince's POV 

"Bes, tara na! male-late tayo sa mass niyan eh" 

Ahhhh :')))))  Ang sarap lang pakinggan ng boses niya. ang bakla man isipin. Pero oo, ang ganda ng boses niya. Ang sarap gumising at mabuhay kung araw-araw kong maririnig yang mga boses na 'yan. Pero di niya alam kung gaano niya ko na-iinspire kahit sa mga ngiti, tawa, boses niya. Kayo palang at ang author. Bestfriend ko kasi siya. Syempre may FRIENDZONED na umiiral kaya di ko sa kanya nasasabi. TORPE NA KUNG TORPE. Pero ayoko mawala yung pagka-kaibigan naming pinagka-hirapan kong buohin. Oo, ako lang nag-buo. Hahaha. na-develop na lang siya na pwede pala kaming mag-bespren. Isang taon yung nakaka-lipas nun ng . . . 

*FLASHBACK PO MUNA *u* (puma-flashback ako. okay sorry sa paniningit XD)

"Uhmm. Kasi. . . Pwede . . . Ano. . . Uhmmm. ." sabi ko.

 "Manliligaw ka? ano?!" pataray niyang sabi. "Sorry pero full na. Next month ka na lang pwede? hahahaha"  Ay. natawa? joke mo na yun?

"Feeling mo naman 'te! Makikipag-bespren lang. Manliligaw agad? PBB TEENS? " hala. para tuloy akong bakla. =___= kabanas kasi 'to ee. No choice ako eh. Wala akong maka-usap dito. Siya naman, wala masyadong kasama kundi kaibigan. Pag-tiyagaan na lang 'to.

"Ayyyyy. Bumigay ka na 'teeeeehhh? HAHAHAHAHAHA. Grabe. Di ko expected. Sige na nga. Bespren?" tawa siya ng tawa habang makikipag shake-hands. Ang panget neto tumawa pero nakaka-ingganyo. haaayyy. Inabot ko ang kamay ko at bespren na kami.

*End of FLASHBACK* 

Natapos ang isang buwan, dalawang buwan, etc. At na-develop ang mokong na to. Mag-bespren pa rin kami. Naging close kami pati na rin families ang friends namin kaya sobrang close namin. Kahit madami kaming kaweirduhang ginagawa nag-tagal kami. Parang mag syota lang eh. "NAG-TAGAL KAMI" hayyy. imposible kasi mangyare yun -____-" pero bago ang lahat. Nag-aantay na yun sa baba. Magsisimba na kami. Lagi kaming mag-kasama magpaka-banal. okay daldal ko. magagalet na yung babae na yun  =___=

"Bes, sorry medyo matagal! kasi inayos ko pa yung utak ko este higaan ko" sabi ko

"Naahhh. I'm used to it. What do I expect? haha. MABAGAL KA KASI MASYADO" Nag-smirk siya. Ayyy. tae lang. Angkyut mo bes! wag. wag. naiinlove ako lalo.

"Haynaku Alexia! Tumigil ka nga. Ang kyut mo ohhhhhh" sabi ko habang kinukurot ang pisngi niya. Siya naman naka-pout. Ayaw niya kasing "ALEXIA" tawag sa kanya. Alex lang daw. Ang tomboy talaga neto. Pero mahal ko pa din.

"Yuck dre! tara na nga. Hahaha. Pagalitan tayo ni father niyan!" sabi niya. 

At umalis na kami. Tama siya. Late na naman kami. Potek naman oh. -___-' 

FRIENDZONED . .Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon