A/N: Sinipag ata akong mag update dito sa friendzoned? Hahaha. Salamat sa puri ng dalawang tao dyan :* haylabyuuuu.
=======================================================
Vince's POV
Maging masaya siya . . .
Una kong hiling nung nasa simbahan kami ni Alex. Wala naman akong ginawang exemption di ba? Kaya kung ano mang kaligayahan nung babaeng yun, kailangan mabigay ko. Pagkain, damit, sapatos, at kahit si Jhake pa. Alam niyo yung feeling na kahit masakit sa inyo yung gagawin niyo, kailangan niyo pa din gawin? Masakit di ba? Parang pinipigilan ko sarili ko sa kasiyahan ko. Pero hahayaan ko yung kasiyahan ko mawala basta maging masaya siya. EH BAT ANG DRAMA KO? haha. May pinaghuhugutan lang talaga ako. Damn! Ang hirap naman kasi neto eh. Sasabihin ko naman na gusto ko siya eh. Kumukuha lang ako ng tiyempo at buwelo. Pero nung dumating tong si Jhake magaling na crush ni Alex, ang galing lang. Nanghina na naman loob ko. Amp :(
"He's not my boyfriend, he's my bestfriend."
He's my bestfriend. . .
at ako?
I fell inlove with my bestfriend -___-
Ngayon, ako ang dakilang bestfriend ng mahal ko. Great! Perfect lang! Aishhhh :\ Hassle naman ang pagiging bestfriend ko. Bakit ko ba kasi nadiskubre na magkagusto sa kanya? BAKITTTTTTTTTTTTTTT?
"Haysss, kuya Vince! Ano bang pinoproblema mo? Si Ate Alex noh?" si Nash nga pala. Kapitbahay a.k.a kalaro ko sa Dota. Minsanan lang ako makipag dota ngayon kasi college na. Weekends na lang. Ngayon? Nasan kami? Bahay syempre. Merye-meryenda. Nakikikain lang 'tong mokong na to dito eh. Ayaw niya daw sa bahay nila.
(Hahaha. Maka plug ako kay Nash eh noh? Si Nash sa isa kong storya. Mr. Torpe :D)
"Etong batang 'to. Porket natuli ka na, ganyan ka na magtanong sakin ha?" asarin ko muna siya. Torpe din kasi 'to eh. Mana ata sakin >:)
"Abaaa. Eh di hindi na ko makikipag 1v1 sayo. Ganon pala eh. Ano ba kasing nangyari sa inyo?" tanong niya habang nginangata yung cookies na binili lang ni Mommy kanina. Takaw talaga neto.
"Kasi, friend na sila nung crush niya. Mawawalan na ata ako ng lakas ng loob sabihin sa kanya yung nararamdaman ko pare" sabi ko tas tinignan ko siya. Ay langgyaaa! di nakikinig. Nagko-computer. Tumatawa pa! Abaaa! Iba yun ah.
"Huuyyy! May wifi naman sa inyo diba? May laptop ka din naman sa inyo? Kung hindi ka din naman makikinig, eh wag ka nang pumunta dito! Masasapak lang kita eh." Pang asar ko. Di naman siya kasi nakikinig eh. Badtrip. Kung alam ko lang na di siya makikinig hindi ko na lang pinapunta dito =____=
"Bro, hahahaha! nakakatawa kasi tong kachat ko! Kung ano-ano kinukwento. Letse! Yung sinasabi mo? Ano, eh di unahan mo!" sabi niya tapos tawa ulit. Ngayon lang to nabaliw kakatawa ah. Laftrip mode si Nash. Ah! Alam ko na kung bakit!
" BABAE YAN NOH?" pasigaw kong sabi para marinig pati kabilang bakod. Bwahaha.
"Pusang ama vince! Wag naman maingay di ba? Loko ka ah. Change topic ka lang dude! Balik tayo sayo. Storya mo to! Kanya kanya tayo" oo nga naman. May pagka-matalino din to eh noh?
"Eh pano kung rejected yung pagtatapat ko?"
"Kailangan ba pag magtatapat ka, accepted agad yung feelings mo?" saka niya ko binatukan. "you need to prove her that you really like her first" banat niya pa. Aba. Pagdating sa pag ibig, matalino!
"Oo nga, may point ka. Galing mo ah! Pero pano kung masaya naman siya dun sa crush niya?" pahabol kong tanong.
"Sinabi na ba nya na masaya siya? Puro ka pano kung eh! Pano kung sapakin kita diyan?! There's no harm in trying bro." sabi niya tapos kumagat ng cookies at bumalik sa kakatype. Inlababo nga to si Nash. Dami niyang wisdom of words eh >:D Pero somehow nakatulong siya. Ita-try ko na talaga best ko para iparamdam sa kanya na mahal ko siya..
After an hour ......
Bumili ako ng chocolates since gusto niya nun. Bumili din ako ng ice cream, tapos dvd. Movie marathon kami ngayon. Wala naman siyang sinabing magdala ako ng pagkain pero mabait kasi akong bespren. =))
Ding dong . . Ding dong . . Ding dong
"Uyyyy! Andito ka na! Dali tara pasok ka na!" parang ang saya netong babaeng to ngayon?
"Ansaya mo ah? Anong nangyari?" tanong ko habang papunta sa pintuan nila.
"Wala langggg. Haha. Ewan ko parang may mangyayaring maganda talaga ngayon" grabe yung ngiti niya parang may something talaga. O baka inaantay niya yung pagtatapat ko ng nararamdaman ko? Aishh.
Tapos umakyat kami sa kwarto niya para manood ng movies. Kumuha siya ng spoon para sa ice cream tapos nilagay yung chocolate sa maliit niyang fridge sa kwarto. Sinalang ko yung dvd na amytyville. Horror siya. Or suspense. Bata pa ko neto eh. Naisipan ko lang bumili ng dvd para collection. Pagkatapos kong isalang yung movie. Pumunta na ko dun sa dulo ng kama at umupo. Bali sa lapag kami kakain baka langgamin kasi ung kama niya.
"Bes, may tatanong sana ako sayo" sabi ko sa kanya. Habang siya, kumakain ng ice cream.
"Ano yun?" tanong niya habang puno yung bibig niya.
"Natutuwa ka ba na friends na kayo ni Jhake?" tanong ko sa kanya.
"Ah- - Eh-- Ano, kasi.. Oo naman kasi nga crush ko siya di ba?" sabi niya kahit pautal na. Kinagat niya pagkatapos yung kutsara at tumingin sa tv.
"Ah. For sure crush ka din nun! Mamaya magulat ako nililigawan ka na nun ah" wala akong lakas na loob para sabihin sa kanya ang nararamdaman ko. Parang pagka sinabi ko sa kanya, mawawala itong mga ginagawa namin bilang magkaibigan.
Ayokong mawala ang babaeng to sa buhay ko dahil lang sa sinabi ko ang nararamdaman ko.
BINABASA MO ANG
FRIENDZONED . .
RandomHindi lahat ng bagay na ginagawa mo gusto mo. Hindi rin lahat ng gusto mo ay ginagawa mo. Magulo noh? Magulo kasi pag may friendzoned kayong pinapa-iral. Eh ako kaya na torpe? masabi ko kaya? Well, maybe happy ending do exist naman siguro.