Vince's POV
Andito kami sa simbahan. Haynaku. Late pa rin kami. Kahit anong pagmamadaling gawin namin ni Alex. Ayy. Ako lang pala :D ako na mabagal. para daw tuloy akong bakla. Bwiset lannggg! Pero bago ang lahat humanap na kami ng upuan at magpapaka-bait na kami netong mahal ko ay este bespren ko. May nakita naman kami kahit papano. Syempre ano bang mae-expect mo ? puno simbahan? hay. sa pasko lang yun!
"Bes! okay ka lang?" sabi ko.
"Oo! hehe. makinig na tayo." sabi niya. Pero namumutla tong babae na to. Kakatakot tuloy.
Patapos na yung misa at lumuhod kami para mag-dasal. Paulit-ulit lang naman hinihiling ko eh. Tatlong hiling lang! Tatlo lang at gagawin ko ang lahat para mangyari yun.
Maging masaya siya . .
Malaman niya nararamdaman ko . . .
at
Ang mahalin niya rin sana ako.
Tatlo lang yun pero andami kong ipagpapalit dun. Magbabago na ko sabi ko basta matupad lang yung tatlong dasal ko. Hindi na ko magmu-mura, hindi na ko magka-cutting, hindi na ko gagastos ng malaki para lang sa mga gimik, Hindi ko na aawayin si Alexia, I'll be a better man. Kung konti lang yan sa inyo, madami na yan sakin at mahirap pa gawin ang mga yan nuh! Lalo na ang hindi awayin si Alex. Ang hirap. Kelan kaya ako magsisimula para simulan na din ni God yung mga prayers ko? Hayyss. Kailangan ko pa ng oras para magawa yang mga yan. Pero sa ngayon, enjoy lang muna kasama si Alex.
Dumilat na ko. Kaso pagtingin ko kay Alex, wala na siya. Ay? Iwanan? Nasan na yun? Tumayo na ko at hinanap siya. Di naman malaki tong simbahan kaya di masyadong makita ang .. . ... ..
" Beesss! Ano? ano kinain mo at nagsusuka ka dyan?" sabi ko habang hinihimas yung likod niya at pinupunasan ang pawis niya.
"Grabee. wooo. Ang inet >_______< hahaha. Eto naman maka-react daig pa ko? okay lang. Baka di kinaya ng tyan ko yung mga kinain ko kanina. Ang dami ko kasing kinain bago pumunta sa inyo ehh." Sabi niya habang naka-ngiti pa din. nakaka ngiti pa din to kahit na nagsuka.
"Eh kung mag-react ka kasi ang simple eh. Ayaw mo ng OA na reaksyon! tara na? uwi na kita?" inaya ko siya.
"Halaaaaaa bes! iuuwi mo ko sa inyo? bakit? tayo na ba? bwahaha" oo. iuuwi kita para dun ka lang. para lagi kitang nababantayan, para akin ka lang. Ganyan ho siya mag-biro. pa-banat. Banatin ko kaya puso neto? para tumibok para sakin?
"In your dreams! Punta ka munang neverland. Tapos i-meet mo si peter pan dun. Pa-autograph ka sa mga mermaids dun. Magiging tayo." pabiro kong sinabi. Ngumiti lang siya at sinabing . .
" Hirap naman kunin ang oo mo :p " tumawa lang siya. Alex, di nakakatawa. Nahuhulog ako. Nahuhulog sa mga patibong mo papunta sa puso mo. ayyy tae! Korni alert!
"Nanliligaw ka na nyan? haha. Mas mabuti nang ako man-ligaw sayo. Mas okay pa" sabi ko. Oo. ako na lang! Para maging babae ka naman minsan bes! nakuuu -___-
"hahaha. Panget ba? di ko na uulitin! :D " sabi niya "Tara uwi na tayo!"
Umuwi na kami. Maharot talaga tong bespren ko. Grabe. Kaumay =_____=
Pero may part pa di na ang sarap niya mahalin :D Parang araw-araw, naiinlove ako lalo sa kanya. OA NA KUNG OA. EH SA ARAW-ARAW EH.
Third year college na kami ni Alex pero isip bata pa din siya. Boses niya pang bata. haha. Pang elementary. Si alex ang isa sa mga kilala sa school namin kaya minsan lang kami magkita sa school. Pag break lang namin. Tapos almost 2hrs lang. Kaya minsan weekends lang kami nagkaka-sama niyan.
NBSB si Alex. Ako? May first love ako. Yung dota. haha. Meron nga. Isa sa mga kalokohan na napunta sa totohanan. Potcha kasi. Trip lang namin yung babaeng yun nung first year high school kami. Kaso na buang sakin. Kaya ayun sinumpa ako. Pero nawala na siya ngayon. Yung sumpa? Wag niyo na isipin yun. Naniniwala pa din kayo sa sumpa? Joke lang yun nu ba kayo!
Magiging piloto nga pala ako. Si alex? uhmmm. Tourism yun ehh. Pang rampa daw ang ganda. Eh pang puso ko lang naman yunn. Taee. Korni alert ule.
HAY. SI ALEX KAYA INIISIP AKO?
BINABASA MO ANG
FRIENDZONED . .
RandomHindi lahat ng bagay na ginagawa mo gusto mo. Hindi rin lahat ng gusto mo ay ginagawa mo. Magulo noh? Magulo kasi pag may friendzoned kayong pinapa-iral. Eh ako kaya na torpe? masabi ko kaya? Well, maybe happy ending do exist naman siguro.