Dear Crush 9

269 31 5
                                    

Dear Crush ,

Alam mo ba na hindi lang ako blessed sa araw na ito ? Kundi pati masaya , masaya ako at nag-enjoy ako sa araw na ito . Isa ang araw na ito sa hindi ko malilimutan na araw . Salamat , salamat dahil isa ka , isa ka sa bumuo ng masayang araw na ito . Alam mo nung sa Service kanina ? Gosh nalungkot ako kasi inisnob mo lang ako , pero nung sa Youth Fellowship? First time kong marinig ang boses mo ng ganung kahaba , at grabe hindi ko maiwasan na hangaan ka , siguro nga ganun na kita kalalim na crush . At yung pag message ko sayo na sineen mo lang? Medyo masakit pero sige okay lang , keri lang . Tas yung pagmumukang tanga ko kanina habang kumakaway sayo , hindi ko pinagsisihan yun kasi , nginitian mo ko , ang babaw ko man kung iyong iisipin pero sa kababawan ba yun naging masaya ako . Salamat sa ngiti mo , kahit piling ko hiyang hiya ka pa nun . Salamat kasi napasaya mo ko . Salamat sayo , ang babaw ko talaga . Haahahahaha #Oppa

Nagpapasalamat,
R.E.L

Dear Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon