Dear Crush Last Part

303 32 2
                                    

Dear Crush ,

Katulad ng mga storya , nobela , babasahin o pelikula , lahat ay may pagwawakas o katapusan , ngunit hindi ko akalain na pati pala ang nararamdaman ko para sayo ay kailangan ko naring wakasin . Katulad ng sinabi ko memorable ang araw nato hindi lamang dahil sa napasaya mo ko , kundi pati narin sa mga nalaman ko . Hindi ako sigurado , pero nabuo na ang desisyon ko sa puso ko . Akala ko noon busy ka at marami talagang alalahanin kaya hindi mo ko nabibigyan pansin , pero katulad ng iba gumagawa lang ako ng paraan para mapanatag ang loob ko na may iba ka lang talagang pinagkakaabalahan , pero ang totoo pala ikaw ay may Girlfriend na cool off pa ata kayo ngayon . Nung una nagulat ako kasi sa tingin ko ang isang tulad mo ay hindi alam ang salitang pagrerelasyon . Pero mukhang nagkamali talaga ako . Inaamin ko na sobrang nasasaktan ako at naiinggit na sana ako nalang . Na sana ako na lang yung na una at baka nagkaroon pa ng totoong pag -asa , pero nakakapagod narin kasing umasa . Umasa na magiging mag kaibigan tayo , na maging close tayo . Pero sana kahit na unti unti ko ng inaalis ang nadarama ko para sayo , sana dumating yung panahon na wala ng pag aalinlangan sa pagitan natin . Pero ngayon mahirap man aminin , pero ang pagtanggap sa katotohanan na may iba ka ng mahal . Siguro ayan na ata ang pinakatama na gawin ko sa isa sa mga desisyon ko . Masakit pero tama at nararapat na gawen . Aking iniibig salamat sa lahat na emosyon na ipinaranas mo saakin . Siguro nga ito talaga ang tadhana ko , ang isulat ito at ipaaalam kahit hanggang dito nalamang yung mga nararamdaman ko para sayo . Pero nakakalungkot nagtapos din agad , gusto ko man ipaglaban ee anung magagawa ko ? Ako lang naman yung masasaktan . Kaya sa pagtanggap ko na ito , sana isa na ito sa paraan para mapatatag at unahin ang dapat unahin kay sa ipairal ang puso . Salamat sa lahat . Sana kung darating ang panahon na mabasa mo to sana hindi ka ma-weirdan sakin . Hehehe
Katulad ng iba ang nararamdaman ko para sayo ay nag-uumpisa ng magwakas ~
Sana maging masaya ka sa kanya .
At sana maging mag kaibigan tayo , kahit na hanggang kaibigan nalang .
Paalam , paalam para sa nararamdaman ko para sayo .

Nagpapaalam,
R.E.L

Dear Crush (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon