Chapter Two

5 1 1
                                    

Faith's

Matapos ng sinabi ni Sais ay hindi ako makatulog. Ano ba talagang mayroon sa pamilyang toh? Ano bang meron sa  Mansyon? Bakit alam nila ang lahat samantalang ako, wala lang? Bakit ako? Anong meron sakin?

Maraming tanong ang nabubuo sa utak ko.

Muli kong sinilayan ang librong nasa gilid ng mesa ko. Hindi ko alam pero natatakot ako and at the same time ay natutuwa.

Masyado akong naguguluhan.

*Tok tok*

Tumibok ng malakas ang puso ko nang may kumatok sa pintuan. Shet naman gabi na mga bes.

Binuksan ko ang pintuan at sumilay sakin ang nakangiting si Setjae. Ang pangalawa Sa magkakapatid na Seventh and Sais.

"Yo tres!" Pagbati ko at pinapasok muna siya. Feeling ko may aaminin din toh.

"You want milk?" Tanong ko pero umiling lang siya. Umupo ako sa tabi niya.

"Sacred." He started.

"You know that I really hate being called by my second name tres." Taas kilay kong sabi pero tumawa lang siya.

"Idc. Sacred, sinabi na ba sayo ni sais yung about sa diary?" Muling tumindig ang balahibo ko. Kahit hindi ko kayang paniwalaan ay tumango na lang ako at nakinig sa sasabihin niya.

"You also heard about the 7finite and sais' ability to read minds right?" Tumango ulit ako.

"How about the owner of the diary?" Tumango ulit ako. Pag ako nagka stiff neck sisisihin ko toh.

"So I guess, I will do less works now. Can you promise me to be strong after these chaos?"

"Teka, chaos? As in kaguluhan?" Nakakunot noo kong tanong.

"Yeah. And please answer my following questions"

"Birthdate?"

"January 5, 2001"

"Time?"

"07:07 am"

"Date today?"

"Ah? January 1, 2018"

"Date of your arrival here?"

"Ahm. December 7, 2017"

"Time of the day when you found that diary?"

"Ahm. 7am something?"

"Well, that's one of the hints in your life. C'mon naghanda sila mommy ng foods para sa new year." Sabi niya at tumayo.

"Teka kala ko ba ayaw niyong maghanda??" Takhang tanong ko ngunit nginitian lang niya ako.

At saka hints? Ako ba ginagago niya?
Aish! January 1 na pala ngayon. I forgot. 6 days nalang kaarawan ko na.

~~~~~~~

Pagkarating ko sa baba ay nakita kong puno ng pagkain ang lamesa. Kaya siguro lumabas si Auntie Firstie at Auntie Shaira kanina para sa handaan.

"Oh nandyan na pala si Faith!" Nakangiting sabi ni Lolay.

Ngumiti nalang din ako at umupo sa upuan. Kaharap ko ang buong pamilya namin. Hindi ganun karami.

Autie Firstie at Uncle George.
Panganay na si Seventh, pangalawa si Setjae (16 yrs old) at bunsong si Sais (14yrs old)

Auntie Shaira at Uncle Shinn
Panganay na si Shaihra (13 yrs old) at pangalawang si Shin (12 yrs old)

Mommy Salter at Daddy Faow
Ako na panganay at si Fathima Salk na 11 years old.

We're not that big family.  Simple lang pero kakaiba.

Tahimik lang kaming kumakain. Awkward pero pinutol bigla ni Shin ang katahimikan.

"Happy new year. I hope for More blessings to come and more Inner strength for the problems that we will encounter this year." Napangiti ang lahat sa sinabi ni Shin pero bakas pa rin sa mukha nila ang pagkalungkot habang ang iba'y hindi maiwasang lumuha.

Di pa end of the world uy. ANG OOA MASYADO EH.

"6 days before Faith's day." Tipid na sabi ni Seventh.

"This is the seventh day before sacred's Day." Sabat din ni Setjae.

So kailangan niyong ipagkalat ganun? 😑

"How old are you Iha?" Tanong ni auntie shaira.

"Magse seventeen na po."

Natahimik sila bigla. Ano nanaman bang mali?

"A-ah tapos na ba kayo? Ako na maghuhugas ng plato." Singit ni Tito George. Alam kong binabasag nila ang katahimikan para hindi ko malaman na may itinatago sila.

Isa pa.

Isang pang patunay ng mga kababalaghan na yan ay lalayas na talaga ako dito.

MoonchildWhere stories live. Discover now