Faith's
"Ate Faith? Nasaan yung garter ko? Mag te ten twenty ako." Sigaw ng bunsong kapatid ko na kakapasok Lang.
"Nireregla ka na tapos tatalon talon ka pa? Gusto mo maubusan ng dugo?" tanong ko pero nginusuan pa rin niya ako. Ang pabebe talaga ng batang toh. Actually, ginamit ko yung garter niya kasi nasira garter ng panty ko hihi.
Dejoke.
"Nakatago sa panty'han mo. Lagot ka talaga kay Lolay." sabi ko at saka tumakbo na siya.
Pansamantala kaming nakatira sa isang mansion na pagmamay ari ng lolo ko kasama ang kalahating angkan ng Devour. 7 years na siyang patay at isang araw pagkatapos nun ay namatay din si- sino ba yun? Rapmonie? Raminie? Basta yun..
Ang alam ko ay nagpakamatay siya siguro sa depression? I don't really know. Yun ang naging dahilan kung bakit muntikan nang masangla ni Lolay ang mansion na ito.
"Faith. Kailan ka nga ulit pinanganak? " tanong ni Seventh na biglang lumitaw Sa harapan ko.
"Uh bakit?" Naiilang na tanong ko. Bakit nga ba lagi nilang tinatanong ang birthday ko?
"Sagutin mo nalang." Tipid na sagot niya.
"January 7, 2001"
"Anong oras?" Dami namang tanong 😑
"Aish. 07:07 am!" Naiinis na sagot ko.
Umalis na siya. Si Seventh, ang pinakamatalino, tahimik at misteryosong panganay sa angkan ng Devour. Valedictorian since Prep. Habang ako? 2nd lagi. Walang inggitan at selosan dahil lahat kami ay pantay pantay Sa Mata ng pamilya namin.
Tahimik akong umakyat sa kwarto ko at kinuha ang diary na hanggang ngayon ay hindi ko mabuksan. May maliit kasi itong lock na halata namang may susi kaso wala. Walang susi mga bess kaya struggle is real ang lola niyo.
Ginawa ko na ang lahat pero ayaw mabuksan. Actually, hindi ko rin alam kung kanino toh. Nakita ko nalang siya sa bag ko isang linggo pagkatapos naming lumipat dito sa mansion. At siyempre nakaka curios kung anong nilalaman nito.
Nagulat ako ng makitang dahan dahang bumukas ang pintuan. Hanggang sa makita ko ang pigura ng isang lalaki.
"Noona. It's me!" Sabi ni Sais at saka tumakbo papalapit sakin.
"Waaahh namiss kita mais!" Sigaw ko at saka yumakap sa kanya.
"Aish! It's sais not mais!" Nagmamaktol na sabi niya pero ngumiti pa rin.
"Noona, naneun neoleul geuliwo!"
(Trans: Ate, I miss you! -9331)
"Hah? Wag mo nga ako kinokorean bata. Kala Mo di ko alam Yan? Huh maganda yata toh! " Pagbibiro ko kahit hindi ko naman talaga alam meaning nun. Balakadiyan.
"Noona peyt." Seryosong pagtawag niya sakin. Tinanong ko kung bakit pero tumayo siya't nilock ang mga pinto at sinara ang kurtina ng bintana. Jusko kinakabahan ako sa batang toh eh.
"So i guess nakita mo na ang diary." Seryoso paring sabi niya habang nakatingin sa diary na nakapatong sa unan ko.
Ano bang meron sa libro na yan? Nung una kong itinanong sa pamilya namin kung bakit meron ako nun ay natahimik lang sila. Walang balak magsalita. May mali ba sa librong yan ?
"Noona. I-i don't know if this is the right time to tell you this. " kinakabahan niyang sabi at parang di mapakali.
"To tell me what?" Naguguluhang tanong ko.
"Naalala mo nung una mong pinakita yung libro na yan 7 days pagkatapos niyong dumating dito? Lahat kami nagulat. Lahat kami natakot."
"Nalalapit na ang 7finite." Dagdag pa niya.
"7finite?" Tanong ko
"Yeh. Ang 7finite ay isang pagdiriwang. At ang libro na kasalukuyan mong hawak ay pagmamay ari ni Rhapsodie."
Nagulantang ako sa sinabi niya kaya't nabitawan ko ang hawak kong libro. Diary ng patay?! Shit. Shit. Sumpa ba toh?!
"Hindi noona. Isa kang alamat. Dejk. Basta hindi yan sumpa. Malalaman no rin kapag oras na." Sabi niya. Teka nabasa niya nasa isip ko?!
"Yes noona. I can read minds. Hays ang hirap ipaliwanag pero katulad nga ng sabi ko, malalaman mo ang lahat kapag oras na. I gotta go baka magtaka na sila eomma kung nasaan ako."
Naiwan akong tulala. This is some kind of lame jokes right?
~~~~~~~
Credits to CharmingTan for my book cover !! Thank you so much 😊
YOU ARE READING
Moonchild
FantasyFaith Sacred Devour. Ang babaeng nakatakda para sa magaganap na chaos Sa kanilang kakaibang pamilya. Malalaman ang lahat ng sikreto sa pamamagitan ng isang luma at historical na diary na mabubuksan lamang Sa ika 7 full moon. Author: MotionlessShado...