NERDY 5
[ EDITED ]
MAXINE's
Nagising ako nang biglang tumunog ang alarm clock ko pero nang tignan ko ay ang telepono ko pala iyon.
" Hello tita, napatawag po kayo? " panimula ko nang sagutin ko ang tawag.
[" Hey Maxine, how are you? "] sagot ni Tita na may halong tuwa.
" Okay lang naman po ako, Tita. Kayo po kamusta? "sagot ko na may ngiti sa labi ko.
[" Okay lang ako, iha. "] sagot rin nito.
" Sila Jessy po, kamusta na rin? " Tanong ko na may halong galak.
[" Maayos lang din sila- oo nga pala, kelan ka daw pupunta dito pinapatanong ni Jessy? "] pag-iiba nito ng nausapan.
" Hindi pa ako nakakapag-isip, Tita. May mapag-iiwanan po kasi ako dito. "
[" Sino, si Cheska ba? "] tanong ni Tita. Tumango ako kahit na hindi niya iyon nakikita.
" Opo, lalo na at jan na po ako mag-aaral. " sabi ko na may halong malungkot na boses para maawa si Tita.
[" Ganun ba, oh, sige- ]" hindi ko na narinig ang susunod na sinabi ni Tita kasi nalow-battery ang phone ko, kaya itetext ko nalang si tita pagkatapos kong magcharge.
Narinig kong may bumusina sa bintana at nakita ko ang driver namin sa labas ng gate na nag- aantay. Teka, anong oras na ba at parang ang aga ni manong. Tinignan ko ang orasan ko at nagulat ako ng nakita ang oras, quarter to Six o' clock am na kaya mahuhuli na ako!
Agad akong nagbihis na pang- eskwela. Mamaya nalang ako maliligo pag- uwi dahil naligo naman ako kagabi. Pagkatapos kong magbihis ay diretso na akong bumaba.
" Ma'am Xine, heto po ang baon ninyo, hindi na po ba kayo kakain dito? " tanong ni Manang pagkababa ko palang sabay abot sa akin ng isang tupperware na may laman na sandwich.
" Pasensya na po, manang, mahuhuli na po kasi ako eh. " sabi ko kay Manang na tumango lang habang ako ay tumatakbo palabas.
Kung nagtataka kayo kung asan ang mga magulang ko, nasa ibang lugar para sa trabaho, wala na ngang time para sa akin e, ni hindi na nila ako tinatawagan, kaya mga kasambahay nalang namin ang kasama ko sa bahay.
" Sorry Manong, hindi ko na po napansin ang oras. " sabi ko kay Manong na nasa unahan pagkasakay ko sa kotse.
" Ayos lang po, Ma'am, late din naman po ako ng dating. " sabi nya sabay nag-peace sign.
PAGKABABA ko ng kotse ay kumaripas ako ng takbo papunta sa room namin, pero habang tumatakbo ako ay may nakabangga ako.
" Paumanhin. " sabi ko at tuloy-tuloy ako sa pagtakbo, hindi na ako tumingin kung sino ang nakabangga ko sa kakamadali ko.
Pagkarating ko sa room ay wala pa ang guro. Mabuti nalang dahil masungit 'yon kapag may nahuhuli sa klase nya-
" Why are you late, Ms.Isabelle?! "
" Ay- masungit! " iyan ang unang nabanggit ko nang nagulat ako dahil nakita ko ang guro namin sa likod ng pinto. Oo nga pala. Laging nasa likod ng pinto yang nilalang na yan.
" Did you just call me, masungit, Ms. Isabelle? " tanong ng guro namin na naka-dilat ng malaki ang mata. Ayan niya din na tinatawag siyang masungit kahit yun yung totoo.
YOU ARE READING
Her Return ( EMPIRE SERIES #1 ) - Completed ✅
Teen FictionEMPIRE SERIES #1 Maxine Alexis Isabelle, a nerdy girl who was hurted by a guy that she thought he can love her back the way she loved him. She went on Italy to forget his intricate experience in the Philippines and also for a change. Alexis stayed o...