Lunes noon
Matutulog na sana ako
Pero tumunog ang aking telepono
Nadapa pa nga ako
Habang patakbong kukunin itoSabe nya sumilip daw ako sa bintana
Sumilip naman ako
Pero sabe ko
"malayo ako sa bintana"
Atsaka
"matutulog na kasi ako""importante ito"
Sabi moKinikilig na ako
Napatalon na nga ako sa kinakatayuan koPinagmamasdan kita ng pinatay ko ang telepono
Sabi ko
"baka ito na ito"Bumaba na ako
Binuksan ko ang pinto
At sabi ko
"tuloy ka dito"Medyo basa yung mata mo
Nagtaka ako
"anong iniyakan mo?" sabi ko"hindi nya na ako gusto"
Kelan ba kita hindi ginusto?
Bata pa tayo kasma na kita umadyo sa puno
Lagi mo ako kinukuha ng mangga kasi paborito ko yon
Naglalaro pa tyo ng laste
Tpos lagi tayong magkaklaseSabay tayong magbike tuwing bakasyon
Umakyat pa tayo ng bundok
At sinabe mong
"sana maulit to, siguraduhin mong isasama mo ulit ako"Ang saya saya ko noon
Gusto mo ata yung araw na yonPero hindi na un naulit
Mayat maya kita itinext
Nagreply ka naman
Pagkatapos ng isang buwan
Sabi mo"may ipapakilala ako sayo"
Nakakatawa
Akala ko ipapakilala mo na ako sa parents moAng ganda nya naman
Morena siya mahilig magbasa
Magaling magluto at siya ang dahilan kung bakit hindi mo ako mareplyan"bestfriend ko"
Sabi mo sknya
Mia pala ung pangalan nyaPero hindi ako nawalan ng pagasa
Hindi ako napgod mahalin ka
Hindi ako napagod suportahan ka para sknya
Hindi din ako nahirapan gumawa ng birthday surprise mo para sknya
Masaya nga din akong nagpanggap na mascot na puso nung monthsarry nyo.
Kasama nyo ako sa mga espesyal na araw nyo
Tiniis ko ang lahat mapalapit lang sayo
Nung nakaraang tatlong buwan iyak ako ng iyak sinisisi ko ang sarili ko
Kasi sinasaktan ko ang sarili ko
Sinong tangang mananakit sa sarili?
Oo nga tanga nga ako.Hanggang nagaway kayo
Nagsimula na ulit tayong lumabas
Nagpunta tayo sa isang museyo
Sabi mo ulitin natin ulit ito
Nakakatuwa
Kinabukasan naman
Sa ilog tayo naligo kasama natin yung ate mo
Inasar pa nga nya tayo"dapat kayo na lang eh"
Nginitian mo lang ako
Nalunod na ata ako sa gatuhod na ilog
Hanggang makauwe
Magdamag ako nakangitiNaisip ko
"baka ito na ulit"Nagkapagasa ako
Sabi ko sa isip ko baka wala na kayo
Baka gusto mo na ako
Nahihibang ako
Lagi kong iniisip
Pasasaan pat balang araw magiging tayo
...
"hindi na niya ako gusto"
"may iba na si mia"Si mia padin pala
Akala ko ba okay na
Akala ko ako na
Ako yung nanjan para sayo simula umpisa
Kilalang kilala na kita pati sila tito at tita
Close na close na kami ng ate mo at ng aso nyo
Saulado ko lahat ng ugali mo
Masaya akong nakikinig sa mga hilik mo
Sa mga kwento ng buhay mo
Sa mga trivia mo sa mundo
Sa mga Akbay mo pa lang parang nanalo na ako sa lotto.Mahal na mahal kita
Hanggang dumating sa punto na
Puso mo nlng ang inisip ko at hindi ang sarili koNagalinlangan ako dadamayan ba kita o magtatapat na ako ng nadarama
Nanaig pa din yung mahal kita.
Hindi nga lang ako nagtapat ng nadarama.
Dinamayan kita at sinabi kong
"baka nagkakamali ka sknya"Iyak ka ng iyak non
Umiiyak na din akoAng sakit
Ang sakit makita na mahal na mahal kita at iba ang iniiyakan mo
Ang sakit sakit na ginagawa ko ang sarili kong tanga
Ang sakit na nasasaktan yung mahal ko at sobrang sinaktan ng ibaIningatan kita
Minahal kita
Minahal kita ng palihim
Nagasam
Na balang araw magmumulat yung mga mata mong mmapungay
At maiisip mong ako ang andito para sayo.
Ang sakit sakit
Nasira ang iningatan ko.
Dinurog ang puso koKaya wlaa din akong nagawa kundi madulas sa sarili kong butas
Niyakap kita ng mahigpit habang humahagulgol ka at pangalan niya nag iyong sinasambit
Biglaan lang talaga
Hindi ko kagad napagisipan
Siguro ganun nga talaga
Yung sinisigaw ng puso mo
Sasambitin din ng bibig moPinatahan kita
Sinabi kong wag mo na siyang isipin
"hindi mo siya deserve nikko" dagdag ko
Umiiyak pa din ako
"Nandito lang naman ako"
"Matagal na akong nasa tabi mo"
"Ako, gusto kita Nikko"
"Mahal kita Nikko"Kahit ako nagulat sa nabanggit ko
"sorry nikko"
Matagal ko na sana sinabi dito sa taon to
Wala lang ako lakas ng loob
Kasi takot akong masayang lang lahat ng ito
Bigla kang tumingin sa akin
"im sorry claire, hindi ko alam""PERO HANGGANG BESTFRIEND LANG TLAGA"
Sinaksak ako ng tatlungput dalawang letrang iyong binitawan
Limang ulit na tatlumput dalawa
Hanggang sa
Bigla ka na lang lumabas ng aming bahay
Nagasam ako ng linggon mo saakin
Ngunit pinaasa na naman ako ng pag aasam ko.Nasira ko lahat
Ang natitirang gatiting na pagasang binigay saakin ng sandaling iyonAng tamis ng bawat sandali na nakikita kong masaya ka kahit ang dahilan ay iba pala.
Pinanghawakan ko ang kakaunti kong pinapaniwalaang milagroPero sinayang ko parin
Pag dating sa dulo
Naging tanga parin ako••itutuloy••
BINABASA MO ANG
Kiss you in the dark (Spoken Word Poetry)
PoetryMatalik na kaibigan o Matinding nararamdaman A two part poem story of Claire and Nikko