Sophie Zay Herineo

10 1 0
                                    

"Kailangan mong maging matapang! Sasabihan mo lang sya ng invited sya!" Hailee said while Sandra and the two dickheads are busy watching the movie.

"Ih! Nakakahiya kaya! Paano kung isnabin nya ako? Paano kung sungitan nya ako? Baka mapahiya lang ako at matawag na ilusyunadang frog." Napasimangot ako atsaka nag papadyak ng paa.

"Ano ka ba?! Akong bahala kay Kuya! Atsaka sa ganda mong iyan? Ah,basta mamaya ayain mo sya! Mag risk ka naman babae, no. Hindi yung puro ka papansin sa kuya ko tapos hindi naman gagawa ng moves." Napatulala nalang ako, ano ba kasing gagawin ko? Huhu! Nahihiya ako, pati ang Mommy ko at ang Daddy ko isama pa si Kuya at Ate na inaabangan yung pag aaya ko kay Kyoro. T^T

"Tara na. Balikan nalang natin mamaya yan!" Nagulat ako sa biglaang pag tayo ni Sandra at saka pinag hahampas sila Vince.

"Aray! Bakit?" Naka kunot noong saad ni Mark habang hinihimas ang hinampas ni Sandra.

"We should get going! Kailangan natin maging maaga, aabangan natin si Kyoro mamaya pagkatapod ng practice natin ng basketball." Saad naman nya saka nag taas ng kilay.

"Eh, hapon pa ang practice. Ang aga pa naman!" Maktol naman ni Vince na sinamaan lang ng tingin ni Hailee kaya nanahimik.

"Basta, tara na."

Nanlalamig ang kamay ko at ang lakas ng tibok ng puso ko. My heart, please hold on!

"Para kang kakatayin, mamaya pa namang hapon. Baka bigla kang himatayin dyan." Hinampas ko nga sya ng libro.

"Aray ko! Napaka brutal ninyo talaga, nakakasakit na kayo ng damdamin." Nag walk out pa si Vince pero hindj namin sinundan. Ano sya? Sinuswerte?

Nagdaan ang break at lunch pero walang pumasok sa utak ko! Huhu,lagi naman walang pumapasok yata rito pero dumoble yata ngayon.

"Soph, practice lang muna kayo ngayon. Light lang kasi matagal pa naman ang sunod na laro atsaka may gagawin kasi ako." Tumango ako kaya tinapik nya ang balikan ko at saka umalis.

"Tara na, bihis na." Sabi ko sa Team ko na kasama si Hailee at Sandra.

Naglakad kami patungong locker room ng girls atsaka nag bihis ng aming Jersey. Paglabas ay nakita ko naman sila Kyoro na palabas rin ng kanilang Locker at suot na rin ang Jersey nila. Natigilan pa ako ng makita nya ako at saka nagtama ang mga mata namin pero kaagad din syang umiwas na para bang dinaanan lang ako ng tingin, nag kibit balikat nalang ako at saka dumiretso sa isa sa mga bleachers na nasa harapan.

Nag tali ako ng ponytail at saka pumalakpak.

"Wala si Coach ngayon dahil may ginagawa sya, Light lang practice natin ngayon kaya pwede nyo nalang gawin ang gusto nyo. Pwede ring mag laban kayo o kaya i master ang long range shooting. Bahala kayo." Sabi ko sa kanila atsaka sila nag tanguan.

"Magaling na ba ang paa mo Cap?" Tanong ni Jaymie.

"Yes, okay na naman. Naging tanga lang, sulitin nyo na ngayon habang hindi pa ako mahigpit. Laro-laro lang muna." Napa yes naman sila kaya napailing ako.

"Nice cap! Dun kami sa kabila." Sabi ni Denise na kinunotan ko ng noo.

"May Practice sila." Sabi ko na kaagad naman siningitan ni Patricia.

"Sasabihan ko muna boyfriend ko, Cap. Mamaya-Maya pa naman sila nag ii-start." Tinanguan ko lang kaya nag martsa sila papunta sa kabila, nakita ko naman yung nga lalaki na kasama na si Vince at Mark na nag tatawanan na naudlot ng kausapin ng girls. Nakita ko naman silang tumango kaya tumakikod na ako para pumunta kila Sandra na hawak ang bola na nakatingin sakin.

Diary: Single OnlyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon