Nang dahil sa piso
Una tayong nagkatagpo
Nahulog ang kapirasong barya mo
Na siya ko namang pinulot at inabot sayo
Nang dahil sa biko
Tayo'y hindi nagkasundo
Dahil sa muli nating pagtatagpo
Nag-agawan tayo sa huling piraso nito
Nang dahil sa panyo
Nagbago ang tingin ko sa'yo
Dahil noong ako'y pinaiyak ng isang "gago"
Inabot mo ang panyo mo't pinatuyo ang mga luha ko
Nang dahil sa buko
Nabihag mo ang puso ko
Iniligtas mo ako
Noong ako'y muntik nang mahulugan sa ulo
Nang dahil sa isang litrato
Nagtapat ka ng nararamdaman mo
Nakita mo ang larawan namin ni "gago"
Tinanong mo kung may puwang pa siya sa puso ko
Nang dahil sa isang babaeng mukhang tsonggo
Na kung makakapit ay parang tuko
Nakita mong nagselos ako
Nalaman mo tuloy na ika'y mahal ko
Nang dahil sa'yo
Muling sumaya ang buhay ko
Naging makulay ang mundo
At muling tumibok ang puso ko
***________
Nang dahil sa kalokohan namin ng mga kaibigan ko
Nabuo ang tulang ito
Sana'y nagustuhan niyo
Kahit na puro kakornihan lang ang nilalaman nito
Dedicated sa kay MoodyMe
Dahil sa Jollibee
Nagkaroon siya ng bagong hinahangaan
TanTan ang pangalan...
nyahahaha! ;p