Kung Ako'y Katulad Niya

66 2 1
                                    

Kung ako ba'y maganda

Magaling kumanta

At mahusay sumayaw

Ikaw ba'y manliligaw?

Kung ako ba'y matalino

Masayahin at bibo

Sikat at mayaman

Ako ba'y iyong magugustuhan?

Kung ako ba siya

Maputi, sikat at maganda

Mayaman at maraming kaibigan

Ako rin ba'y iyong maiibigan?

Sabihin mo sa akin

Ako rin ba'y iyong iibigin?

Kapag siya'y aking tinularan

Iyo rin ba akong magugustuhan?

____________

dedicated sa aking kapatid.... gusto rin niyang magdedicate ako ng tula sa kanya eh ;p

Pieces of My HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon