GGR: #1 (JANNA)

4.2K 46 4
                                    

"Hoy! Babae ka!! Bumaba ka nga dito!"

Dali dali akong bumaba at nang makababa ako sa hagdanan. Halos muntik na ako malaglag sa hagdanan kakamadali para lang pumunta sa kinaroroonan sa taong tumatawag sa akin.

Isang malutong na sampal ang dumapo sa aking kaliwang pisngi, na manhid ang kalahati kong mukha sa lakas ng pagsampal sa aking tiyahin.

Kahit puno ng pagkabigla ay hindi ko nagawang sumalag pa at tibangvap na lang ang pinaka mabigat na sampal mula sa kaniya.

"Ikaw!! Letche ka talagang bata ka! Bakit hindi mo pa ito tinutuping mga sinampay!?? Ang tamad mo talaga!" Habang hampas hampas niya sa akin ang mga isasampay na mga damit.

Nakayuko na lamang ako at tinatanggap ang ang mga sermon at sakit ng katawan sa ginagawa ng tiyahin sa akin. All the cloths na nilabhan ko ng madaling araw ganito pa ang sasalubong ng tiyahin ko never ako umangal sa lahat ng pinag uutos niya ginagawa at sinusunod ko even though kahit gabi ay nagiging araw. Kahit pag-aaral ko na aapektuhan I do my best to achieve that and always I've been waiting for...

Sanay na ako sa gantong sitwasyon, araw araw mga natatanggap kong sakit sa katawan at even my own emotion ay hindi ko na alam.

Pati mga luha ko mabilis na nagwawala at naglalandas sa aking mga mata.

Ako nga pala si JANNA namulat ng 

...walang pamilya kinagisnan,

...walang kapatid na masasandalan

...walang magulang magbibigay ng kalinga at pagmamahal

Higit sa lahat!

...walang mga kaibigan na pwedeng sumuporta sa akin.

Hindi pinaranas ang payak at masayang pamilya ngunit

Laging

...nabubully sa iskol kung minsan pinapatulan at madalas ay hinahayaan na lamang sila.

At sa bahay na laging kasama ang tiyahing mainitin ang ulo sa akin. Parang isang impyerno ang buhay at mundo ko pero laban lang!

Tiyahin ko lang ang kamag anak na alam ko, simula ng bata pa ako hanggang ngayon na nagkaroon na ng kamulatan sa mundo.

May utang na loob ako sa kanya pinapag aral ako at pinatira sa kanyang bahay

Ngunit lahat ng kanyang tulong ay may kapalit na parang isang alipin na ang turing sa akin. Matandang dalaga ang aking tiyahin at laging mainitin ang ulo.

Mahirap lang kami pero sapat na para makakain ng tatlong beses sa isang araw.

Habang wala pang pasok ay tumutulong ako sa aking tiyahin na mag tinda sa palengke. Kung minsan ay rumaraket ako kung ano ano na legal na trabaho at marangal. Gustuhin ko man na tumigil na lang sa trabaho ngunit nangingibabaw ang pangarap ko na magkapag aral at makatapos.

Sa lunes ay may pasok na ako kaya kailangan mag karoon ng allowance para sa sarili upang lahat ng pangangailangan ko ay mabibili ko.

16 years old na ako at 4th year student malapit na mag kolehiyo kung papalarin na tumungtong kaya double kayod ang ginagawa ko para matupad na isang pinaka sikat na chef balang araw.

Good girls Revenge (UNDER REVISION)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon