DREAM 18

338 16 0
                                    

Another week had passed, and their engagement is fast approaching. My heart is shuttered into pieces, but I can't do anything to fix it.

Nagsilabasan na ang mga kaklase ko, pero nanatili parin ako sa loob ng classroom. Niyaya pa ako nila Sour, Maica, at Daliah na kumain pero ang sabi ko sakanila may gagawin pa ako.

"Brea, dito ka lang?" Nilingon ko si Kiera na akala ko ay umalis na.

"Hindi kapa pala umaalis?" Tanong ko sakanyan.

"Masyado ka kasing preoccupied kaya hindi mo na alam ang nangyayari sa paligid mo." Umupo siya sa upuan na katabi ng upuan ko.

"Gano'n ba?" Gustuhin ko man na maging masaya sa harap niya ay hindi ko magawa.

"Does everything fine?" Nilingon ko siya at umiling iling.

I can already feel that my tears are about to fall. Tumingala ako para pigilan iyon, but I just can't control them. Nagsimula na akong humikbi na kahit gaano ko pigilan ay hindi parin matigil tigil.

"S-sorry, Kiera..." She hugged me tight while tapping my back.

"I know, I know. Sabi ko naman sa'yo diba? You're my best friend kaya alam ko ang mga bagay na nangyayari sa'yo."

"Mahal ko si Seth, Kiera, sobra. Pero bakit ang higpit ng tadhana sa akin? Sa amin?" Kinalas ni Kiera ang pagkakayakap niya sa akin at hinawakan ang mga pisngi ko. She wipes my tears and smiled weakly.

"Ganyan talaga kapag nagmahal ka, Brea. Hindi sa lahat ng oras kakampi mo ang tadhana. Swerte mo nalang kung sumabay ang tadhana sa'yo, pero malas mo kung hindi." Saglit siyang tumigil at huminga ng malalim. "Pero kung alam mo na kung ano ang tadhana mo, edi lumaban ka. Ang importante, mahal niyo ang isa't-isa. Kahit iyon lang ang gawin mong armas mo. Tandaan mo, Brea, hindi sa lahat ng oras ay kailangan mong magparaya. Minsan kailangan nating maging makasarili para sa mahal natin." Diretso niyang sabi.

"Kiera naman..."

"Be selfish, Brea. Kahit ngayon lang."

"Paano ko gagawin 'yon? May masasaktan, Kiera."

"Sa huli ay masasaktan din si Hessa. Hindi naman kasi siya mahal ni Seth. Kaya mas mabuti pa na masaktan siya ngayon para ma-realize niya ng maaga na hindi sila para sa isa't-isa ni Seth." Hinawakan niya ang dalawang kamay ko.

"Pero---"

"Mabait si Hessa at may pinag-aralan kumpara sa ibang nagkakagusto kay Seth, kaya alam kong maiintindihan niya." Ngumiti siya sa akin.

Be selfish? Paano ko gagawin yon? May maganda ba na maidudulot ang pagiging makasarili?

Nang maghiwalay kami ni Kiera ay nagpasya akong mamasyal muna bago umuwi. Pumunta ako sa park para makapag-isip. Naguguluhan talaga ako, e.

May matanda na biglang lumapit sa akin at inilahad niya ang kanyang kamay. Sa tingin ko ay namamalimos siya. Naghanap ako sa bag ko ng pagkain. Mabuti nalang at hindi ko pa nakakain 'yong sandwich na binili ko kanina.

"Ito po." Inabot ko sakanya 'yon na agad niyang kinuha. "Upo po kayo." Sabi ko doon sa matandang babae at nagbigay ako ng space para maka-upo siya.

"Salamat, hija."

Sinimulan niyang kainin yong binigay ko. Napansin ko naman na wala siyang tubig kaya tumayo ako at ibinili siya.

"Ito po, Lola." Inabot ko sakanya 'yon at umupo ulit.

"Napakabuti ng iyong kalooban." Nakangiti niyang sabi sa akin.

"Naku, kahit sino naman po tutulungan kayo." Nakangiti ko ring sabi sakanya.

A Guy In My DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon