DREAM 30

421 12 0
                                    

This is the final dream. Thanks for reading this story, guys. Love you :)

--------------------------------------------------

Namangha ako sa ganda ng design nila. Kahit nasa labas palang kami ay natatanaw ko na ang magandang kulay ng convention hall. Para talaga itong literal na royal party. Nagtataka lang ako kung anong pamilya ito.

"Wear your mask, Brea." Sabi sa akin ni Mama.

I was very amazed that I forgot my mask. Sinuot ko ito at sumunod kayla Mama na papasok na sa grand entrance.

Bumungad sa amin ang iba't-ibang taong naka-maskara. Napangiwi ako dahil sa mga nakikita ko. Wala akong makilala sakanila ni isa.

Nang makarating kami sa isang table na naka-reserve ay umupo na kami. Panay ang lingon ko sa magkabilaang side, nagbabaka sakaling may makilala ako.

"Brea!" Agad akong lumingon nang narinig ko ang boses ni Kiera. Nakita ko siyang papalapit sa table namin.

"Sabi na nga ba at ikaw 'yan." Naka-mask siya ng kulay red na bumagay sa red niyang cocktail.

"Kiera, nandito ka rin?" Tumayo ako at nakita kong may kasama siyang lalaki. Kung hindi ako nagkakamali ay si Kuya Ken 'yon.

Lumapit siya kay Ate Bianca at humalik sa pisngi. Bumeso din siya kay Mama.

"Yup! Kami ang representative ni Mama." Sabi niya at naki-share sila ng table sa amin.

"Para saan ba itong party na ito?" Tanong ko kay Kiera.

"Isa itong proposal-slash-engagement party. Ang bongga nga , e." Kinikilig niyang sabi.

Just wow! Engagement party? E pang-kasal na ito, a.

"Ladies and gentlemen, a pleasant evening to all of you."

Natuon ang pansin ng halos lahat sa lalaking nasa stage. He's also wearing a mask.

"It's an honor for this family that you're here. Your presence means a lot to them. I know some of you are busy, but still, you're able to attend this event. And now, before introducing our soon-to-be couple, you can have your dinner first. Again, thank you and please, enjoy this night."

Nagpalakpakan kami nang matapos ang welcome speech niya. Nag-serve narin ng mga pagkain ang mga waiter. Pati sila ay naka-mask! Ang cute!

Nagsimula ng kumain lahat. Bigla namang nagpatugtog ng romantic song. Bigla akong may naalala. Nagpatuloy lang ako sa pagkain ko at inalis ang mga iniisip ko. This is not the right time for my emotional problems. I should be enjoying this royal night, sayang din naman ang gown.

Nang matapos kaming mag-dinner ay isa isang nagsi-puntahan sa dance floor ang mga tao. Sino ba naman ang hindi? Their songs are very inviting. Tumayo kami ni Kiera para makisayaw sa kanila. Natatawa nga kaming dalawa kasi laging ganito ang eksena namin sa tuwing may party.

"Para tayong baliw dito, Brea." Natatawang sabi ni Kiera. Sinasabayan lang namin ang tugtog. Si Kuya Ken at Ate Bianca ay masayang sumasayaw. Pinatay nila ang ilaw at pina-on ang disco light. Mas lalong na-excite ang ibang tao dahil doon, maging kami ni Kiera ay sinabayan sila sa pagsasayaw.

"This is the right time to forget, Brea! Woah!" Sigaw ni Kiera. Humalakhak siya at hinawakan ang dalawang kamay ko. Tumawa ako at sinabayan na siya. It's a romantic music they're playing, but Kiera is ready to rock! She must be really broken.

"CR lang ako, Brea. 'Wag kang aalis dito, a." Tumango ako sakanya at pinanood lang siyang nawawala sa gitna ng maraming tao.

Huminga ako ng malalim at nagtangkang bumalik sa upuan nang may biglang humablot sa kamay ko. Sa sobrang gulat ko ay hindi na ako naka-react pa. Namalayan ko nalang na sinasayaw na niya ako.

A Guy In My DreamTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon