The Legend is Born

16 1 0
                                    

"Anak ng teteng akala ko di na matatapos hell week!" Sigaw ni Ted pagkalabas namin ng gate.

"Buti nga sembreak na."

"So guys anong plano naten? Two weeks pahinga diba?" Tanong ni Kriss kaya nabaling ang atensyon naming lahat sa kanya.

Natahimik kami't nahinto sa paglalakad. Ano nga bang magandang gawin sa two weeks na sembreak?

"Mag beach tayo!" suggest ni Lily.

"Sige tara mag beach ka mag isa mo! Hahaha!" Pang asar talaga tong si Mark. May gusto kasi to kay Lily kaya nagpapapansin.

Naghabulan ang dalawa habang busy pa rin kami sa pag iisip at pagbabrain storming kung ano gagawin namin.

"Ikaw Mae, ano ba gusto mong gawin?" Baling ko kay Mae. Napansin kong kanina pa sya tahimik. Ni hindi sya nagsusuggest. Malalim ata iniisip ng isang to.

"Guys." Tumingin lahat ng kasama namin sa kanya. "May bahay kase lola ko sa Aurora. Matagal na yung di nagagamit. Si Mang Pancho lang na caretaker ang nandoon. Baka gusto nyo dun na lang tayo?"

"Pano pag gusto nga namin? Gusto ba kami?"

"Dun lang Mae, walang tayo."

Napagpasyahan nga nila na sa Aurora na daw. Oo nila! Kasama ako sa Aurora pero hindi ako kasama sa pagpapasya dyan! Sasama lang ako dahil kay Mae bebelabs ko.

Nagpaalaman na kami sa isa't isa. Magtetext na lang daw ang organizer ng grupo namin kapag may ganitong mga lakad na si Fritz bakla kung anong oras bukas mag uusap usap.

Eto talaga pinakahinihintay ko kapag may pasok. Nasosolo ko si bebelabs kase kami lang ang magkalapit ng bahay. Lagi kaming sabay umuuwi at nagdidiwang ang buong sistema ko.

The Legendary Mico SanWhere stories live. Discover now