[1]

62 2 2
                                    

"please. I don't want to be here anymore" 

("How many times do I have to tell you that you need to stay there as long as I  want?")

"I can't understand you! Why do I have to suffer here? this is nonsense."

("Is that the way you should talk to me? In the future, you'll regret what you're saying!")

"IHATETHIS!"

*tooot toot tooot" 

"UGGGH!" 

"Easy Bro!"

"you know what, feeling ko di ako makahinga sa lugar na toh. pwede ba? aalis muna ako. alam ko na naman kung pano bumalik dito eh. gusto ko lang mag-isip!" 

"then, do what you want." -sabi nya sakin habang naka-upo lang sa couch nang parang walang pakialam. 

umalis na ako ng condo unit ko at nagdrive kahit saan. 

Hey Guys! Sorry ah. Medyo badtrip eh. Ewan ko kung tatay ko ba talaga yung kinausap ko kanina! Nakakainis eh. Di ko tuloy alam kung kaya ko pa syang galangin. Gusto ko ng bumalik sa Meldovia!

Maraming nagsasabi sakin na masyado daw akong buhay prinsipe dun sa bansa namin. para silang mga ewan. Prinsipe naman talaga ako eh. di niyo pa pala alam yon. 

I'm Prince Acelin Jase Knudson Pedersen, 18 y.o. . Isang prinsipe from the European Kingdom of Meldovia. 

Ace na lang ang itawag niyo sakin. Mabait ako noh, di ko lang talaga alam kung anong dahilan ng hari para ipadala ako dito. inis na inis talaga ako. 

oo nga pala, wag kayong magtataka kung bakit sanay na sanay ako magtagalog. Inutusan ako ni ama para aralin talaga ang Filipino. bago niya ako ipadala dito ay mga pilipino lagi ang kausap ko at bawal silang mag-ingles. Pahirap diba? gusto lang ata ako itakwil nun eh. Pero kilala ko ang hari, alam ko na para sa mabuti at nararapat kung bakit ako nandito. I trust him that's why I accept his offer to leave our country and stay here even if i don't want to.

ipakilala ko na din yung asungot na kasama ko dito. just kiddin'. He's my cousin, Aiken Emil Knudson. request ko na din yun sa King na payagan na samahan nya ako. 

kumakain ako ng kwek kwek ngayon malapit sa palengke. wag kayong magtaka, sanay na ako. 

"SNOW!!!"

napatingin ako dun sa pinanggalingan ng boses. bigla kong naalala ang inang reyna. She used to call me Snow because of my complexion. Maputi kasi ako. miss ko na sya. matagal nya na kasi kaming iniwan. 

pagtingin ko dun, kusang bumuka ang bibig ko. isang magandang babae ang nakita ko. napakaganda nya. nakalugay ang buhok, naka-uniform, may dala dalang isang timba. Napakasimple nya. Ang ganda kahit pawis na pawis. 

"Ma! opo, andali na lang po!" -sigaw nya pabalik sa tumawag sa kanya. pagkatapos ay pinunasan nya gamit ng kamay nya ang kanyang pawis. 

masyado akong napatitig sa kanya kaya di ko namalayang nalaglag na pala yung timba na dala nya pati na din ang mga laman nito. 

nang matauhan na ako, ay agad ko naman syang nilapitan. 

"Miss, tulungan na kita." -nagsimula na rin akong magpulot nung mga nahulog na dala dala niya. 

"Hay nako Bro, binigyan niyo nga po ako ng superhero, late naman. kung sino ka man, di ko na kailangan ng tulong mo." -di ko na inintindi ang mga sinabi nya, naptitig na kasi ulit ako sa kanya. di nya manlang ako tinignan habang sinasabi nya yun at tuloy tuloy parin sa pagpulot. ang ganda nya talaga kahit san anggulo mo tignan.

Ang Makasama KaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon