*Aeryn's POV*
May dikapani-paniwalang himala ang nangyari sakin ngayong araw na toh.
alam niyo kung ano yun?
hulaan niyo.
di ko sasabihin. HAHAHA.
oy, galit na yan. eto na nga ako. pasalamat ka, mahal kita kaya sasabihin ko na.
for sure magugulat ka...
ETO NA!
wait for it....
ALAM NIYO BA NAGISING AKO NG UMAGA TODAY!!!
at dapat ata akong magcelebrate. haha! first time toh sa buong buhay ko.
grabe, sino ba nag-adjust ng body clock ko at nagising ako ng 5:00 am kahit mamayang 8:00 pa ang pasok ko?
WEIRD -_-
Tapos nhgayon feeling ko may hinahanap yung katawan ko. hmm. ano ba naman toh!
naligo na ako at nagbihis ng school uniform kahit maaga pa. Sa lahat ng damit ko ang uniform ang pinakapaborito ko. alam ko, weird talaga ko. anong magagawa ko, eh sa dito lang ako nagmumukang matino. mga damit ko daw kasi pang yaya lang. hahaha! i don't care, maganda naman ako. LOL. signal number 4 alert. HAHA.
pagtingin ko sa orasan...
"6:00 pa lang? di kaya advance toh?"
ah basta.
sinuot ko na yung earrings na binigay sakin ni mama nung 13th birthday ko. astig noh? ganyan ako ka-ingat sa mga gamit ko lalo na kung may sentimental value. after nun. sinuot ko na yung salamin ko at inayos ng bun ang buhok ko.
hmm. binabawin ko na pala yung sinasabi ko na sa uniform lang ako nagmumukang matino kasi pag ganto, sumobra ata pagkatino ko.
ewan ko na feel ko na naman na biglang bumalik sa dati kong look. feel ko lang. :)
ano bang pakialam nila. eh sa dito ako masaya eh. ;)
lumabas na ko ng kwarto ko at saktong palabas din ng kwarto si Mama.
"Snow? ang aga mo ata nagising ngayon? ay, teka. nakabihis ka na agad? di pa ko nakakapagluto. sandali nga..." pinusod ni mama yung buhok niya. "kailangan ko na palang magmadali. anong oras na ba? nalate at--"
"Ma! okay lang ako! :)" para kasing di mapakali at sobrang natataranta si Mama eh. "maaga po talaga ako nagising." bumaba na ako ng hagdan habang nakasunod sakin si Mama.
"Himala ata yan, anak! sige, manuod ka muna dyan at magluluto muna ako."
"hinde, Ma! ayos lang ako. Kakatext ko lang po kay Kriciel na magkita na lang kami sa palengke. dun na lang rin po siguro ako mag-aalmusal"
"mabuti pa nga. o sige mag-ingat ka" hinatid na ko ni mama sa labas.
"bye ma! ikiss mo na lang po ako kay papa. mwah! :*"
-PALENGKE-
kanina pa ako nag-aabang dito sa karinderya ni Nanay Taling pero wala pa rin si Kriciel.
dibale maaga pa naman. 6:30 pa lang.
"Labs!" tawag niya sakin sabay halik sa pisngi ko "sorry ngayon lang ako, nanibago kasi ako sayo eh. bat ba ang aga mo?"
"ewan ko ba! nanibago din ako eh. kain na tayo. inorder na kita."
"sige, thank you."
habang kumakain kami, napansin nya ata na nagsalaminulit ako.
"labs, anong ginawa sayo ni Daniel Padilla at nag-balik ka sa dati mong anyo?"
"at pano naman nasama ang boyfriend ko sa usapan ah? hahaha! lokaret ka. kung makapagsabi ka ng bumalik ako sa dati kong anyo kala mo aswang ako."
"eh bakit nga kase? "
"siguro marami lang akong oras kaninang umaga kaya eto naisipan kong mag-ayos."
"ayos ba yan? eh parang nagsayang ka lang ng oras sa pag-aayos mo eh kabaliktaran naman ng ayos ang nangyari sayo"
"makapanglait ka! kala mo ang ganda mo. Hoy para sabihin ko sayo, sa ganito ko mas kumportable." sinamahan ko pa yung taas-baba ng kilay.
"kumportable your face. ang weirdo mo talaga labs! ang ganda ganda ng buhok mo tapos lagi mong tinatali. magkakuto ka sana"
"oy, wag naman! ang sama mo talaga! buhusan kita diyan ng sabaw eh."
at nagtawanan pa kami ng nagtawanan. ay mali, nag-asaran pala ng nag-asaran.
*Ace's POV*
nagising ako ng maaga ngayon at sinipag mag-jogging. eto hanggang sa nadaan ako sa palengke.
maaga pa kaya wala pang nagtitinda ng paborito kong kwek kwek. marami namang malapit na kainan dito, doon na lang siguro muna ako.
I can't understand kung bakit nandito pa din ako! marunong na naman ako ng simpleng buhay. eto nga oh, halos araw araw sa karinderya na lang ako kumakain.
nakakainis lang talaga!
nawala yung inis ko nang mayy nakita akong dalawang babae na naglalakad.
at kaparehas nila ng uniform si Snow. yung babaeng tumatak talaga sakin sa di ko malaman na kadahilanan.
tumakbo ko palapit sa kanila.
yung isa, naka-headband lang ang buhok niya na medyo may pagkabrown tapos yung isa,
hmm.
naka-bun yung buhok nya at naka nerdy glasses.
"hey Miss, can I ask something?" dun ako sa babaeng nakasalamin nakatingin. ewan ko, parang may iba. parang pamilyar.
"yes pogi? anong tanong mo?" napatingin ako sa kasama niya kasi yun yong sumagot.
"tatanungin ko lang sana kung san kayo nag-aaral? pwede ba?"
"sa Trilton University. bakit?" - yung nakasalamin ang sumagot. may bahid ng pagdududa yung pagkakasabi niya. ewan ko ba. parang kinikilatis niya ko.
"a- ah." naging uneasy naman bigla ang pakiramdam ko. pero para matapos na, itatanong ko na lang sa kanila. "gusto ko lang sanang malaman kung may kakilala kayong...
--------------------------------------
pabitin muna. :) haha!
sorry kung puro tagalog si Ace. wag nang choosy guys. si Ashi Behati nga ng Princess and I di nag-aral ng Filipino language pero puro ganun sinasabi pano pa kaya si Ace na nag-aral nun. daba?! :)))
thanks for reading! :)
BINABASA MO ANG
Ang Makasama Ka
Teen FictionSi Ace ay isang prinsipe na pinadala ng ama nya dito sa Pilipinas sa di nya alam na dahilan. Impyerno ang lugar na ito para sa kanya hanggang sa makita nya ang isang napakagandang babae. Nagbago ang isip nya at wala na syang ibang gustong gawin kund...