Oppa

90 6 4
                                    

...A/N: Unang una po sa lahat,itong librong to ay isang fan fiction lang tungkol kay kuya Vishnu 'Marvis' Isles. Yung mga characters po na inilagay ko dito ay nasa totoong buhay pero yung iba hindi.Siguro yung mga lead characters lang. Ang takbo ng kwento dito ay kayang isip ko lamang at hindi nangyari sa totoong buhay. At kung nangyari nga ito sa totoong buhay,coincidence nalang siguro ito.  Dedicated po pala itong story na ito sa lahat ng fans ni Kuya Vishnu, I hope you'll like it.

Warning: Lots of Typo and Grammatical errors,please correct me if I'm wrong. And please do not plagiarize. Huehuehue that's all,thank you for reading.

---

Joy's POV

"Ang akda ni Marcelo H. Del Pilar na Pag-ibig sa tinubuang lupa ay salin sa tula ni Dr.Jose P. Rizal na blah..blah..blah."

Patuloy lang ako sa pakikinig kay sir tungkol sa topic namin ngayon,habang nakangiting sinusulyapan si Vishnu na naka palumbaba sa kanyang armchair at nakikinig din kay sir.

Di ko naman mapansin na matagal na pala akong nakatitig sa kanya habang di parin na aalis ang ngiti saaking mga labi.
Sa totoo lang,matagal na akong may gusto sa kanya.

Nag simula siguro itong pag kagusto ko sa kanya noong elementary palang ako,nung bandang mga Grade Three palang ako. Nalaman kong may bagong transfery sa section namin.

Inannounce yun ni ma'am sa room namin at pinapasok siya. Hinding hindi ko makakalimutan yung pag kakangiti niya noon habang nag papakilala.

"Hello everyone,my name is Vishnu De Guzman Isles. I live from Biñan Laguna and I am eight years old. Please treat me well. That's all."

Nung araw na iyon,dun ko naranasan ang salitang butterflies sa tiyan ko. At nung araw na iyon,titig na titig na ako sa mukha niya. Hindi ko alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng puso ko nung bigla siyang lumapit saakin para tumabi since wala akong ka tabi at nginitian ako. Pero isang araw ko lang siyang naka tabi non dahil pinalipat din siya ng upuan kinabukasan kaya medyo nalungkot ako.

OppaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon