[Warning: typos ahead.]
---Isinwipe ko yung ID ko sa gate bago pumasok sa loob nito.
Isinabit ko pabalik din ang ID ko sa leeg ko at inayos yung mga hawak kong libro. Nauna na kasing pumasok saakin si Aleah kaya wala akong kasama.
Nag lakad naman na ako papunta sa locker room at iniligpit doon yung mga libro ko.
Inayos ko na din yung mga gamit ko dun sa locker ng may narinig akong mag salita sa likuran ko.
"Hay nako,kumakapal na pala ang mukha ng mga tao ngayon." Narinig kong sabi nito pero ipinag kibit balikat ko nalang at pinagpatuloy ang pag liligpit sa mga gamit ko.
Napatigil naman ako sa pag aayos. May kamay na marahas na humila sa braso ko ng pahila,dahilan upang malaglag lahat ng librong hawak ko.
Napatingin muna ako sa mga librong nahuloh bago naman ako humarap sa may gawa nun.
Nakita ko sa harapan o ang isang babaeng maganda... pero masama naman ang ugali.. Na may makapal na pulang lipstick pero bumagay iyon sa kanya dahil sa facial features niyang mataray.
Kunot noong naka tingin siya saakin at halos mag dikit na ang mga kilay sa sobrang Inis. Di ko nga lang alam kung anong kinaiinisan neto at dinamay pa ako.
"Porket naka partner mo lang si Vishnu sa JS prom,ang kapal kapal na ng mukha mo!" Singhal naman niya sa mismong mukha ko.
Bwisit to ah,di naman inaano eh gumaganya. "Ano bang ginawa ko?" Buryong tanong ko para mas lalo siyang mainis.
Mas lalo niya namang diniinan yung pag kakahawak sa siko ko kaya ramdam ko ang pag baon ng mga kuko niya sa balat ko.
Ouch...
Di ko nalang ipinahalatang nasasaktan ako sa pag kakahawak niya.
"Ayan,ayan ang ginawa mo! Sinasagot sagot monna ang isang tulad kong angat na angat. Na kumpara sayo! Basahan ka lang!" Singhal niyang muli sa mukha ko.
Grabe na maka pang lait tong isang to ah! Ni hindi ko nga siya kilala tapos sasabihin niyang angat siya!?!
"Sino ka ba? Di naman kasi kita kilala eh." Mahinahin kong sagot sa kanya,para naman kahit papaano ay huminahon siya.
Pero nag kamali ata akong is in a got sa kanya dahil sa pag aakalang hihinahon na siya kaya niya binitawan ang siko ko. Pero inilipat naman niya ito sa panga ko at idiniin doon ang kuko niya.
Napangiwi naman ako sa sakit dahil sa ginawa niya.
"Hah! Kita ko na! Ang lakas ng loob mo! Di mo naman pala ako kilala." Tumawa naman siya ng plastik pero halata doon ang pag kainis sa boses niya. "Ako lang naman si Queenny ang reyna ng school na to!" May panggigigil niyang dugtong.
BINABASA MO ANG
Oppa
FanfictionShe's Joy Fortanilla,isang ordinaryong fangirl ni Vishnu 'Marvis' Isles. Syempre tulad nga ng sinabi ko,isa siyang fangirl. Fangirl na nangangarap din. Nangangarap ding mapansin at makilala ng kanyang idol. Na siya ang makatuluyan ng kanyang idol. P...