---
"Hoy! Nilamon ka na ba ng inodoro diyan?!?" Narinig kong sigaw saakin ni Aleah mula sa labas ng banyo. Kinalabog niya na din yung pinto kaya napa buntong hininga nalang ako.
"Oo na! Lalabas na!" Sigaw kong tugon sakanya at sa huling pag kakataon ay tinignan ang sarili ko sa salamin dito sa loob ng CR bago lumabas.
Pag kalabas ko ay kaagad na bumungad saakin si Aleah na naka suot ng isang simpleng maroon fitted gown na sleeve less,na mas lalong nag nagpatingkad ng Morena niyang kulay.
Bumagay ito sakanya dahil narin sa sakto lang ang pangangatawan niya. Hindi siya matangkad,hindi rin siya pandak. Naka braid din ang buhok niya.
"Wow,Joy. Bagay sayo yang black sleeveless gown." Puri niya naman saakin habang sinisipat ako ng mabuti.
Mas lalo akong kinabahan,ngayon na kasi ang JS Prom at maya maya lang,makikita ko na si Vishnu.
Kinakabahan ako na baka panget ako ngayon. Mas lalong kinakabahan ako sa magiging reaction niya pag nakita niya ako.
"Hoy bababaita! Mamaya ka na mag day dream sa ka date mo! Aayusan na kita!" Sigaw naman ni Aleah sa harapan ko at nag snap snap pa.
Tinakpan ko naman ang mag bilang tenga dahil naka sigaw nanaman siya, umirap muna ako bago umupo sa upuuang nasa harapan ng salamin.
Sa aming dalawa kasi ni Aleah ay siya ang magaling sa make up.
"Hoy wag mong kakapalan ha! Baka gustuhan ni Vishnu,wag mong papangitin no? Mas lalong Nakaka hiya kay--" pinutol naman niya yung sasabihin ko.
"Oo na oo na,Vishnu nanaman. Alangan namang ipahiya kita? Ngayon Shatap ka muna. Baka mang gigil ako sayo gagawin kitang white lady." Sabi niya naman na may pag babantang tono kaya itinikom ko na ang bibig ko.
Hirap kasi,baka mamaya hindi magustuhan ni Vishnu tapos bigla siyang umatras at mag hanap ng bagong date.
Kinakabahan na talaga ako, syempre naman kasi! First time lang ako again sa ganito. Lalo na si Vishnu Oppa ang pinag uusapan.
Kailangan decent at presentable akong tignan sa harapan niya at baka ma turn off siya saakin.
Hanggang ngayon,di parin ako makapaniwalang inaya niya ako bilang kadate niya sa JS Prom.
Oppa noticed me....
Patuloy lang si Aleah sa pag aayos sa mukha ko,ilang beses ko pang ipinag dasal na sana inayos niya ang pag me-make up saakin. Maloko panaman ting babaeng to at malakas ang tama,pag di niya talaga inayos sasapakin ko siya.
"Tingin sa taas." Utos niya naman saakin at sinunod ko naman ito.
Naramdaman ang pag dampi ng isang malamig na bagay sa ilalim ng ng mata,eye liner ata.
![](https://img.wattpad.com/cover/126200349-288-k461173.jpg)
BINABASA MO ANG
Oppa
FanfictionShe's Joy Fortanilla,isang ordinaryong fangirl ni Vishnu 'Marvis' Isles. Syempre tulad nga ng sinabi ko,isa siyang fangirl. Fangirl na nangangarap din. Nangangarap ding mapansin at makilala ng kanyang idol. Na siya ang makatuluyan ng kanyang idol. P...