Pag ang mga lalaki nag-away akala mo world war III na.
Tss madalas sa mga lalaki hindi mawawala ang pag-aaway pero bes kailangan talaga bugbugan? Di ba pwede madaan sa usapan? Kelangan upakan talaga?
Eh kung nag uusap sana kayo Edi nagkasundo pa kayo! Hindi puro pasa ang nasa mukha niyo.
Lalo na yung mga sigang lalaki na ang aangas kung lumakad parang hindi dumaan sa pag kabata kung saan sila pa'y nadarapa.
Galing na galing manakot sa mga 'weak' kuno eh parang hindi rin sila natatakot eh baka nga takot pa kayo sa ipis eh!
Tapos yung iba pa darayo lang para mag hamon ng away, eh bakit hindi na lang kaya kayo mag trabaho para may pambili kayo ng hamon?
Tsk tsk tsk.
Edi sana kung gusto niyong makipag away edi sana sinabi niyo sakin para nalaman ko at maisali kayo sa boksing! Dun niyo ilabas lahat ng kaangasan niyo at tingnan natin kung manalo kayo! Pero kung nanalo kayo penge na lang sa premyo.
Peace tayo mga Bess para maganda ang takbo ng buhay natin.
