Yung mga taong akala mo bossing kung makapag-utos.
Nakaka stress kayo saming beauty! Utos dito utos doon! Edi sana nag hanap nalang kayo ng buttler niyo! Bakit nagtitipid kayo? Problema niyo na yun.
Pati ba naman pag abot lang ng ball pen iuutos niyo pa? Bes nasa harap mo lang oh tutuklawin kana!
Nakaka inis rin na siya na nga ang utos ng utos siya pa ang may ganang magalit! Edi sana nag commander kana lang para marami kang taga sunod!
Pakuha nga nito,
Paabot nga nito,
Pabigay nga nito,
Pasuyo naman nito.Eh bakit kaya hindi ko ipakain sa inyo yang mga ito niyong yan. Nakaka busit kayo mga mukhang pusit!
Matuto kayong tumayo sa mga sariling niyong paa. Baka naman pati pag hinga iutos niyo pa samin? Gusto niyo sapok? Umayos nga kayo hindi kami utusan okay? Mga dyosa kami. Dyosa.
