Alyanna Caled, a 19 y.o genius teen who likes "Science" and dreaming to be a Scientist. She became confused about her love for someone. Pero sa huli, may nalaman siya na explanation na mas makakapag-explain ng pagmamahal niya.
ALYANNA'S POV
*Kriiiiiinnngggg Kriiiiiiinnngggg*
It's 5:30 AM"Oh, gosh. I gotta fix myself, or else i'll be late" Magandang umaga! Bagong umaga nanaman.
Ligo muna ako, hayssss."Dalian mong magbihis diyan! Malalate ka na" sigaw ni mommy.
"Wait mom! Wait a second! Madali na lang to" Ano ba 'yan nagmamadali si Mommy! 6:25 pa lang there's still a lot of time, 7 AM pa pasok ko. It only takes 10 minutes to arrive there. I wonder bakit siya nagmamadali. Siguro may hahabulin nanaman siyang client. Kaya ko naman mag-commute psh.
Lumabas agad ako ng bahay kasi baka mag-wild na si mother earth. "Bakit ba nagmamadali ka Mom?" naiinis na tanong ko kay mama. "May hahabulin akong client anak, kaya kailangan magmadali tayo!" hay na 'ko!! sabi ko na nga ba e. #ClientAsAlways
"Alyanna! besss! omygeez, si James. Guess what?!" bungad sa akin ni Halie, my bestfriend since I was Grade 2.
"So what? Nagbalikan nanaman kayo?" inis na inis na tanong ko. Pano ba naman ilang beses na silanh nagbreak, ilang beses na rin silang nag-comeback. Nakakasawa na kaya no.
"Uhm... Oo b-bes e. Hindi ko alam kung bakit love na love ko siya! Ano bang meron sa love na 'to at bakit ganito ang aking nadarama!" sagot naman nya habang nag-papacute-pose.
"Alam mo bes, ganito kasi yan! There is a chemical chain of reaction triggered in our bodies ultimately instigating the feeling of love to strik-" hindi niya ako pinatapos mag-salita. She covered my mouth and said "It's not about Science bes. Tara na pasok na" while doing the umayos-ka-please-look.
"Good morning class! How was your weekend" bati ng pinakamaganda kong adviser na si Ma'am Ronquil.
"It was quite boring Ma'am, wala po kasing Sci-" hindi niya ako pinatapos.
"ScienceTeVee, tuwing weekdays lang kasi 'yon e no?" then she laughed. Kilalang kilala na talaga ako ni Ma'am. Baka nawawalang anak niya ako. Or baka... stalker ko siya. Joke lang haha. #FeelingeraSpottedAf.
Nag-ring na yung bell so class dissmiss na. Me and Halie went straight to the canteen. Nakita naming may mga girls na nagkukumpulan habang tumitili. Hay nako, what's with these girls? Nakakairita.
Kinalbit naman ako ni Halie. "Uy ano kayang meron doon? Tara tignan natin!" she said. Tatalikod na sana ako ng bigla niya akong hinila papatakbo doon sa mga nagtitilian na mga girls na yon kaya wala na akong nagawa.
Pagdating namin doon nakitili rin si Halie. E kasi, may gwapo lalake doon. Sigurado marami nanamang papaiyakin to dito sa school. Pero para sa akin, never. Never niya akong mapapainlove. Duh, Science books before boys.
Nairita na talaga ako sa mga boses nila. Hays. "Halika ka na Halie! Don't be one of those leeches!" sumbat ko at hinila ko siya para kumain na kami. Gutom na gutom na 'ko. My large intestine is eating my smaller intestine.
Habang kumakain kami, nakayuko ako. May nakita akong paa ng lalaki papalapit sa amin. Itinaas ko ang ulo ko... siya yung... yung!!!
*****************************************
BINABASA MO ANG
I'm Scientifically In Love
Teen FictionThey say everything has a scientific explanation. Pati ba ang pagmamahal ko sa kanya may explanation? Let's Find out. Alyanna Buenostrenos Caled, 19. Mayaman, Mabait, Science Lover, NBSB.