Love in 0.6 Seconds

0 0 0
                                    

Ang lalaki pala na yon, ay ang...

KAPATID NI HALIE... Si Sean, but seanshein /syanshayn/ tawag namin sakanya kasi gay siya.

Lumapit siya sa amin. "Hi mga sissy! Kumusta first at second subjects niyo?" tanong niya habang nakapamewang at pinaglalaruan ang hawak niyang ID LACE.

"Ayos naman, may bago nanaman kaming activity sa Science nakakapagod" reklamo ni Halie habang punong-puno ang bibig niya ng pagkain.

E diba, Science lover ako sa bumwelta ako. "Hoy, hindi kaya nakakapagod ang Science no! Basta ako game na game ako sa lahat ng activities sa Science. Kahit sa outer-space pa 'yan! hahaha"

Tinaasan naman niya ako ng kilay at pinagpatuloy ang pagkain. "O siya! Alis na 'kes! See you both!" pagpaalam ni Sean sa amin.

4:00  PM

Uwian na. "Sige alis nako Halie. Marami pa akong gagawin sa bahay" pagpapaalam ko.

"Sussss! Maraming gagawin pero magbabasa lang ng books. Don't me bes! D-O-N-T   M-E! HAHA" sagot naman sa akin ni Halie.

Inirapan ko lang siya habang nakangiti at nag-wave sa kanya. Senyales na aalis na 'ko.

Kanina pa ako dito sa Plaza. Wala pa rin si Mommy. So I decided to text her.

To: Mommy Smart

My, nasan ka na? Tagal mo huhu. Kanina pa me dito. 6 nalang yata kaming nandito sa plaza mommy. Dali mo. Or mag-commute nalang ako?

*SENT*

Few minutes later, nag-vibrate yung phone ko.


From: Mommy Smart

Anak, marami pa akong ginagawa. Pwede mag-commute ka muna? Ayos lang ba? O hintayin mo nalang ako sa pinakamalapit na mall diyan.

10/24/17
4:43 PM

Ayoko na maghintayyyyyy. Commute nalang ako.


To: Mommy Smart

Commute nalang ako My.

*SENT*


*Zzzzz (vibrate)*

From: Mommy Smart

K.

10/24/17
4:45 PM

Wow, lakas maka-K ni mother earth, napangiti tuloy ako habang binabasa ko yung reply niya. Hahahaha.

Ayun may dadaan na Jeep! I raised my hand. So nag-stop yung jeep. I went in. Myghad ang narrow. Feeling ko 'di na'ko makakahinga. Char lang. Haha. Siguro 20 minutes byahe dito. Super traffic ang maraming Pumapara at Sumasakay.

So eto na, malapit na. "Para po!"
Pagbaba ko ng jeep, nalaglag yung phone ko. Nung pupulutin ko na, may kamay din na pupulot sa pho-- teka... hindi pala pupulutin, nagtali lang ng sintas. So ako nalang pumulot. Paasa ka kuya.

Pagtingin ko sa taong yun, gwapo, matangkad, maputi. Ideal boy siya. Pero di para sa akin. Inirapan ko lang siya. Pero ngumiti siya. Yung ngiting pang-inis. Aba! Busit 'to ah? Sapakin ko 'to e busi--... teka... teka my heart bat ang bilis?! TUMIGIL KA!! NGITI LANG YUN NANG-IINIS LANG YON! PAGTINGIN KO SA KANYA... paakyat na siya ng jeep, kunwari wala ako paki.

Pumasok na ako sa bahay. Nagbihis agad ako at tumalon agad ako sa kama ko. After 5 minutes umupo na 'ko sa desk ko. Napaisip ako... WALANG LOVE AT FIRST SIGHT! TANDAAN MO 'YAN ALYANNA! PAGOD LANG YAN! ANONG NANGYAYARI SA BRAIN KO!!! NAKAKAINIS NAMAN.  Kumukha agad ako ng papel at nagsulat...

"Here’s the thing—it’s hard to describe exactly what happens in the brain during the phenomenon of love at first sight, because that would require a scientist to be able to record someone’s brain activity when it happens."

Ipa-record ko kaya brain ko para malaman ko kung anong nangyayari dito sa utak na 'to!!!

****************************






Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 24, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

I'm Scientifically In LoveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon