It happened 3 years ago.
I was on my first year of high school.
At sa pagkakatanda ko, mga panahon pa yun ng Jumong eh. At pinapanuod ko yun. Inaabangan ko talaga.
Super late na yun pinapalabas dati. Pero pinapanuod ko padin.
Kaso nung nilipat nila mama yung TV as kwarto namin sa sala, kaya hindi na'ko masyadong nakakapanuod pag late.
Nakatira kami dati sa bahay ng "Lola" namin. Malaki yung bahay nila. Creepy. Kami lang kasi nakatira sa loob ng bahay- si Mama, ako, at yung dalaa ko pang nakababatang kapatid. Tapos yung mga nagbabantay dati pa sa bahay na yun dun nakatira sa likod ng bahay.
One night.
Napagpasyahan kong manuod ng Jumong kasi naman tagal ko nang hindi nakakapanuod.
Nagpapasama ako sa kapatid ko, si Carlo, kasi nga mag-12 na ata nun. At natatakot ako manuod mag-isa. Pero ayaw nya ako samahan.
"Edi matulog ka dyan! Bahala ka!!", sabi ko sakanya tapos pinatay ko yung ilaw sa kwarto namin. Pti electricfan. Pati yung radyong pinapatugtog nya.
Tapos dun nalang ako nagpasama sa bunso kong kapatid na si Renz. Pumayag naman sya.
Nanuod na nga kami.
Nahiga ako dun sa may sofa at si Renz sa lapag.
Yung sofang hinihigaan ko, may mini table yun sa may tabi. At dahil nakahiga ako, nasa may ulunan ko banda yung table.
After 10 minutes ng panunuod, tumingin ako sa may ulunan ko.
Ewan ko kung bakit ko yun ginawa. Basta parang feeling ko kailangan ko tumingin dun.
Nakita ko yung ulo ng kapatid ko- ni Carlo. Pati yung balikat nya. Kasi parang nagtatago sya dun sa may table pero kita din naman. Basta nakayuko sya kaya nakita ko yung ulo nya at balikat nga.
Sa isip isip ko.... Sus, kunwari pa manunuod din naman pala!
Hinayaan ko nalang sya.
After ng ilang minuto, ewan ko na naman at tumingin na naman ako sa may ulunan ko.
Wala na sya dun. Naisip ko baka pumasok na sya.
Pagkatapos namin manuod, bumalik na kami sa kwarto.
Nakapatay padin yung ilaw, electricfan at radyo.
Hindi binuksan ng kapatid ko? Eh, bahala sya. Arte pa! >.<
Sinipa ko sya-- si Carlo, kasi nasa may lapag sya natutulog tas ako sa kama. Pero mahina lang naman. Para lang makuha ko yung atensyon nya.
"Hoy! Kunwari ka pa! Manunuod ka din naman pala!"
Tinanggal nya yung kumot na nakataklob sa kanya. Tapos tumingin sakin ng masama. Nagalit syempre.
"Sabi mo matulog na'ko! Pinagsasabi mo dyan?! Bwisit!", tapos nagkumot sya ulit.
Hinayaan ko nalang. Tas natulog nadin ako.
Kinabukasan, nung okay na kami, tinanong ko sakanya kung nanuod sya. Nagalit ulit sya. Sinabi nyang natulog na raw sya nung pinatay ko yun ilaw at pagkalabas namin ng kwarto.
Sa isip-isip ko, sino yung nakita ko? Baka naman tinatakot lang ako ng kapatid ko.
At oo, 3 years na nga. Tinanong ko ulit yung kapatid ko kung naaalala nya pa yung sa datin naming bahay. Tinanong ko kung nanuod sya.
"Hindi ako nanuod nun. Hahaha, natulong na nga ako. Tas naramdaman ko may sumipa sakin, ikaw pala. Nakakaasar ka kaya nun!"
"Hala! Seryoso? E sino yung nakita ko?"
Doppleganger raw ang tawag sa mga ganun. Ayon sa Google, Doppleganger is a paranormal double of a living person, typically representing evil or misfortune. In modern vernacular it is any double or look-alike of a person. In some traditions, a doppelgänger seen by a person's friends or relatives portends illness or danger, while seeing one's own doppelgänger is an omen of death.
Madami na akong naririnig na kwento tungkol sa kanila. At yun yung unang beses na naka-experience ako ng ganun.
At ayoko nang maka-experience pa!
---FIN
BINABASA MO ANG
Doppelganger (One shot)
ParanormalIsang nakakalokang experience para sa isang loka-loka. XD