This Time 1

9 1 0
                                    

He's back

      Usok ng sigarilyo, nagkikislapang mga ilaw, hiyawan at tawanan ang sumalubong sa akin pagkapasok ko. Dahil weekend, jam packed ang bar ngayong gabi. Inikot ko ang paningin ko sa mga table, agad naman akong lumapit ng makita ang hinahanap ko.

"Sammyyyyyy! bakit ngayon ka lang?" Tumayo si Sabrina sa upuan nya at sinalubong ako upang yumakap at bumeso.

"Ang ingay mo Sabby! Para naman di tayo magkasama kanina!" Magkasama kami kanina sa unit ko. Actually magkatabi lang ang unit namin. Iniregalo yun samin ng parents namin nung gumraduate kami ng high school.Since business partners naman ang parents namin at magbest friend kami, hindi na kami pinaglayo para mabantayan daw namin ang isa't isa.

"Sorry naman, naexcite lang!" Umupo ako sa sofa katapat nya. Pag-upo nya ay agad naman syang yumakap sa katabi nya. Clingy ha!

"Hello Sammy!" Bati ni Geoff, boyfriend ni Sabby.

"Hello to you too, G!" Tumayo ito at humalik sa pisngi ko. Mukha lang syang suplado pero mabait talaga sya, kapag nakilala mo, agad mong makakasundo,makulit din kasi. Kaya nga nagtagal sila ni Sabby, nasasabayan nya ang mga kalokohan ng bestfriend ko.

"Kanina pa kayo..?" Tanong ko. Medyo malikot na kasi si Sabby. Ganyan yan kapag may tama na. Kaya madalas din sumasama sa amin si Geoff para alalayan ang girlfriend nya. Mapungay na rin ang mga mata nito.

"Medyo, ayaw nga paawat nito kanina pa. Nasa mood daw sya eh." Sinasabi ko na nga ba.

"Hon, weekend naman kaya let's enjoy the night, okay?" Humahagikgik pa na sagot nito habang sumasabay ang katawan sa music. Napailing nalang ako. Kinuha ko ang margarita na inorder ni Geoff para sa akin. Alam na rin nya kung ano ang gusto ko sa dalas ng pagsama nya sa amin ni Sabby.

Inilibot ko ang tingin ko habang sumisimsim ng margarita. Punung puno ang dance floor. Halos siksikan na pero di nila alintana dahil sa sobrang enjoy nila. Lahat ng table ay occupied na. Tumingala ako sa second floor ng bar, kahit hindi ko nakikita ng buo ang itaas mula sa aming pwesto ay alam kong puno na rin ito base sa hiyawan at sigawan na nagmumula rito.May mga nakikita narin akong nagme-make out sa mga madilim na parte ng bar na kung hindi mo tututukan ay di mo agad mapapansin. Wala ba silang pangcheck-in sa hotel? Gosh! People nowadays. Tss!

"Magsisimula na ang renovation ng Queen's, right?" Napatingin ako kay Sabby, naghihintay sya sa isasagot ko habang tumutusok ng calamares. Paborito namin pareho yan. Kaya isa yan sa specialty ng restaurant ko.

"Yes, nafinalize na lahat, wala ng problema, kaya makakapag umpisa na sila on monday." Ang Queen's na binabanggit nya ay ang restaurant na pagaari ko. Yes, sole owner ako. Ang trust funds na nakuha ko mula sa parents ko nung nagtwenty one ako ang ginamit ko pagpatayo rito two years ago. Ako rin ang head chef doon. Hindi ko ipinagkakatiwala ang lasa ng mga pagkain na isineserve namin ng basta-basta kaya naman mas gusto kong ang lahat ay dumadaan sakin. Fortunately, nagclick naman agad kaya heto at ipaparenovate ko para palakihan, at the same time mas pagandahin pa dahil dumarami na ang clients ko na nagrerent ng venue for different occasions.

"So, does it mean magiging free ka for the next few months dahil sarado ang resto mo?"

"Of course, no! Baka nakakalimutan mo ang Sweet Affair?" Agad naman syang sumimangot. Napangisi naman ako. Ang Sweet Affair naman ay pastry shop na pagaari namin dalawa na pinatayo naman namin one year ago. Yun naman ang tinututukan nya, sya rin ang pastry chef doon. Oh diba ang galing namin? Bawas pasweldo ng tao. Luckily, pareho kaming may kapatid na lalaki na syang magmamanage ng business ng parents namin, kaya hindi kami nagwoworry na baka bitawan namin ang sarili naming business when the time comes.

This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon