This Time 2

11 1 0
                                    

"Hi, good evening everyone." Kilig na kilig ang mga kababaihan sa simpleng pagbati mula sa kanya. Kitang kita ang paghanga sa mga kumikislap nilang mga mata na halos maghugis puso na. Kahit ako man ay nakaramdam ng kakaibang likot sa aking tiyan.

"Hindi halatang na-miss nyo sya ng sobra ha..?! Pakipunasan ang mga laway nyo girls! Eww ha!"  Nagtawanan naman ang mga tao.Pati sya ay napatawa rin kaya lumabas ang dimples nya sa magkabilang pisngi. Ang paborito ko sa kanya. Naaalala ko noon, palagi kong pinaglalaruan iyon, dinudutdot ko ng aking daliri, minsan ay papatakan ko ng tubig gamit ang dropper o kaya naman ay kukulayan ko ng lipstick. Ang lalim kasi talaga. Kahit naiinis na sya at iritable na ay hinahayaan nya lang ako sa ginagawa ko dahil gaya nga ng lagi nyang sinasabi sa akin, kung ano ang gusto ko, ibibigay nya, kung saan ako masaya, doon din sya.

"Stop it, babe!" Iniiwas nya ang mukha nya sa daliri ko. Ngumuso ako.

"Bakit ka ba? Gusto ko lang naman hawakan eh!" Hinila ko sya sa batok para pigilan sa paglayo saka muling dinutdot ang dimples nya.

"Lagi mo nalang pinaglalaruan yung dimples ko! Di ka pa ba nagsasawa?" Tinapik nya ang mga hita ko na nakapatong patagilid sa mga hita nya. Nakaupo kami sa couch sa sala. Gabi na at nagpapaantok lang kaming dalawa. Katatapos lang namin manood ng movie.

"Ihhh.. kasi naman wag ka malikot. Ay! wait may kukunin lang ako,babe." Tatayo sana ako pero hinawakan nya ng mahigpit ang mga hita ko para hindi ako makatayo.

"Teka lang nga, bitaw muna."

"Saan ka naman pupunta.?"

"May kukunin nga lang ako, wait ka lang." Binitawan nya naman ako kaya tumakbo ako sa kwarto para kunin ang kailangan ko.Pagkatapos ay tumakbo ulit ako pabalik sa kanya. Nakabuka naman ang braso nya para salubungin ako.Nagdirediretso ako kumandong paharap sa kanya.Iniyakap nya naman ang mga braso nya sa baywang ko.Iwinagayway ko ang hawak ko sa mukha nya. Sumimangot naman sya.

"What's with the lipstick now?" Yep! Lipstick ang kinuha ko. Tinanggal ko ang takip at inilapit sa mukha nya.

"Basta. Smile ka na dali?" Tinignan nya ko ng masama.

"Dali na babe." Hinawakan ko ang mukha nya. Iniwas nya ang mukha nya.

"No!" Tinakpan nya ng dalawang kamay ang mukha nya.

"Kasi naman eh! Sandali lang naman to eh! Nakakainis naman kasi!" Lumabi ako at nagkakakawag sa kandungan nya.

"Ayoko nga, di ka pa nakuntento sa pagdutdot sa dimples ko, ngayon naman gagamitan mo pa ng lipstick mo, ano bang—shit mahulog ka naman!" Niyakap nya ng mahigpit ang baywang ko dahil muntik na kong malaglag. Yumuko lang ako at umakmang tatayo.

"Kung ayaw mo, edi wag." Nakakainis sya. Gusto ko lang naman kulayan ng lipstick yung dimples nya. Natutuwa kasi ako talaga. Pinigilan naman nya ko.

"Fine, fine. Okay na payag na ko." Napangiti naman ako.

"Talaga?" Tumango naman sya.

"Talagang talaga?!"

"Oo nga, kulit talaga! May magagawa ba ko, eh masaya ka sa ginagawa mo.? But in one condition." Seryoso pa rin ang mukha nya. Pero habang nagsasalita sya ay lumilitaw ang dimples nya.

"Okay, what is it.?"

"Kiss mo muna ko" Ngumuso sya at inilapit ang mukha sa akin.

"Seryoso, yun lang..?!"

"Dead serious babe. Now, kiss me." Ngumiti naman ako at hinalikan sya ng mabilis.

"Oh ayan na, game na!" Sumimangot naman sya.

This TimeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon