DEVIL FOUR ( Part 2 )

130 9 3
                                    

Second pov.

"Ako naman mag tatanong sayo ah?!" Sabi ko kay third habang naglalaro kamo ng mobile legends, ang gamit ko ay si alice at ang gamit niya ay si eudora

"Sige ba! Magtanong kana!" Sabi niya habang naglalaro

"May gusto kaba kay sofia?!" Tanong ko sa kanya

"Oo---- este hindi! Punyemasss" sabi niya natuwa naman ako sa sinagot niya

"Uyyy ang kakambal ko pumapagibig na" asar ko sa kanya

"Ikaw nga walang araw na hindi mo sinusundan ng tingin si maxxy eh!" Napangiwi naman ako sa sinabi niya

"Sure ka na siya ang tinitignan ko? Bro alam mo naman na mataas ang taste ko sa babae eh, saka wala akong gusto sa kanya" dire- diretso kong sabi sa kanya

"Wala naman akong sinabi na may gusto ka sakanya" sa sinabi niyang yun ako natigilan

"Ikaw ah! *sundot sa tagiliran* masyado kang halatain! HAHAHAHA" Sabi niya kaya tinabig ko ang kamay niya

"A-ano b-bayang sinasabi m-mo umayos ka nga t-third!" Sabi ko sa kanya, the fuck bat ako nauutal?

Buti nalang natapos na ang laro namin kaya akala ko titigilan niya na ako, pero akala ko lang pala.

"Hala ka, bat nauutal ka? Hahahaha ano kaba kambal, kapatid mo naman ako kaya pwede mong sabihin saaken lahat ng nararamdaman mo,"sabi niya habang taas baba pa ang kilay niya

"Manahimik ka nga! Yung tanong ko muna paki sagot ng maayos pwede ba?" Inis na sabi ko sa kanya

"Fine, i like sophia, atlis hindi ako nag dedeny eh ikaw? Deny pa more pare, parehas kayo ni daddy." Sabi niya saaken.

"Paanong parehas kami ni daddy aber?" Tanong ko sa kaniya

"Kwinento lang to saaken kanina ni mommy habang nag uusap kayo ni daddy sa garahe, so ito na uumpisahan ko na" sabi niya

"Ang sabi saaken ni mommy, hari daw nang campus si daddy dati, bad boy daw si daddy katulad mo, makulit daw si daddy katulad mo."

"Stop comparing me to him you dimwit!" Inis na sabi ko sa kanya

"makinig ka muna saaken!" Inis na sabi niya saaken kaya nanahimik naman ako

"Tapos one day daw ng nakilala ni dad si mom ay nagbago daw ito, naging matalino na daw ito in short naging goodboy tapos para paikliin ang kwento naging sila ni mommy, at alam mo ba kung ano talaga ang pinagkahawig niyo ni dad?" Sabi saaken ni third

"Ano?" Takang tanong ko sa kanya

"Parehas daw kayong torpe, ang sabi ni mommy inabot daw ng 3 taon bago umamin si daddy sa kanya---" hindi niya na natuloy ang sasabihin niya dahil pinutol ko na ito

" Isa third masasapak talaga kita" sabi ko sa kanya,

"Ano ka banaman kapatid? Ako susuntukin mo? Sa gwapo kong to hindi ka manlang maaawa? Bahala ka kapag maring babae ang umiyak dahil sa ginawa mo" sabi niya habang nakaturo padin ang kamay niya sa kanya mukha

"Hindi ka talaga titigil ah" pupunta na sana ako sa kama niya para suntukin siya ng bigla nalang siyang nagtalukbong ng kumot at pinatay nya ang kanyang lamp

"Joke lang, goodnight kapatid" sabi niya habang nakatalukbong

"Goodnight fucker" sabi ko habang bumbalik ako sa aking kama

"Sweet dreams" dagdag na sabi niya, humiga naman ako sa kama ko at ipinatong ang aking kamay saaking noo

"Sweet dreams" sabi ko sa kanya

"I love you bro" sabi niya

"I love you too bro--- what the hell?" Saka ko lang napansin ang sinabi ko, nakakagigil naman oh

"Hayyss, mahal mo talaga ako enebe kenekeleg eke! Bye na bro see you nalang bukas" sabi niya, sana naman nandidiri siya sa sinasabi niya.

WHAT THE HELL??

DEVIL ACADEMYWhere stories live. Discover now