pato pato takbo

57 0 0
                                    

hoy! anong kalokohan na naman yang ginagawa mo ha...

hindi ito kalokohan noh... nagpapatuka ako ng pato di mo ba nakikita...

nakikita...

yun naman pala eh... bakit nagtatanong ka pa?

bat ba ganyan ka sa akin ha?

wala lang

alam mo mahal ko talaga si Sandy

alam ko

alam ko mahal niya din ako

so?

kaya wag ka ng makipag agawan sa akin pede ba

tumingin kay Alex... di ako nakikipag agawan sayo... alam kong mahal ka niya... pero sa oras na saktan mo siya... nakikita mo to...tinaas ang kamao eto ang sasalubong sa mukha mo!

hinding hindi ko yun gagawin... hindi ko siya sasaktan at ipagpapalit kahit sa ano pa man gaya ng ginawa mo!

mabuti naman kung ganon magkakasundo tayo niyan

hoy! ano yang pinag uusapan niyo mukhang seryosong seryoso kayo diyan ha..

Sandy ikaw pala...

gusto mo itry na magpatuka ng pato?

oo naman ... eto oh!

ang saya naman nito...inihahagis ang mga patuka...

alam mo Sandy... yun yung puting pato na yun... tinuro ang gansa... nanghahabol yan ng mga panget...

talaga bat di ka hinabol... sabi ni Alex

kasi gwapo ako...sabay ngiti

naku! ayan na naman kayo... pero teka parang manghahabol nga sila... nakitang papalapit na...

ayan na sila... nakapilang pasugod ang mga gansa...papunta lang naman sa direksyon ni Alex

nabigla sa nakita...

si Sandy napakapit kay Carlos... si Alex naman patakbo na noong malapit na ang gansa... hinawakan niya si SAndy sabay takbo ...kaya ngayon silang tatlo ang hinahagad ng gansa at ang bilis nilang tumakbo... habang natakbo tawa sila ng tawa....nakarating sila sa may ilog

hahaha... hinihingal pa... sabi ko sa inyo nanghahabol ng panget yun eh

oo nga... hai napagod ako...

anong ibig nyong sabihin? panget ako..

ikaw nagsabi nyan...sabi ni Carlos at nagtawanan ang dalawa...haha

nauuhaw na ako...sabi ni Sandy

Alex... umakyat ka sa puno ng niyog kumuha ka ng buko dali uhaw na din ako e...

bakit ako?

eh ikaw ang dahilan kung bakit kami napagod e...

oo nga tama si Carlos..

walang nagawa si Alex kundi umakyat...

hoi! panget dahan dahan lang baka mahulog ka... baka mamatay ka umiyak tong bestfriend ko..

yes Boss!

napasmile naman si Sandy sa narinig...

maya maya pa nagbaba si Alex ng limang buko....

eto na...

ui! ano yan buko pahingi kami...

ui! kayo pala...

oo naman lima yang kinuha ko tigi tigisa tayo...

teka lang hihiram lang ako ng pambukas dito...

nabuksan na nga nila ang buko at iniinom ngayon nakaupo sila sa may damuhan sina Dick at Kathy makatabi... samantalang magkakatalikuran naman sina Alex, Sandy at Carlos

hai... sana nandito si bessy... nakakamiss siya

oo nga eh...

sana nga nandito siya para walang istorbo sa amin

ako bang sinasabihan mo...

haha natamaan...

ah ganon ha... sabay bato kay Alex...

haha...

swimming naman tayo...

oo nga parang ang sarap maligo

di ka kasi naliligo

haha

tara... parang ang lamig lamig ng tubig tara bili...

sabay sabay nga silang tumalon sa ilog at nagtampisaw... masayang masaya silang nagswimming... pagkalipas ng ilang minuto... umahon na si Carlos at pinapanood nalang sila.. na ngayon ay nagkukulitan medyo nalungkot siya.... napansin yun ng barkada kaya naman tinabihan nila si Carlos...

anong problema?

wala... natutuwa lang akong panoorin kayo ang saya sayayo kasing tingnan...

haha naiinggit ka? sabi ni Alex..piningot ang tenga niya ni Sandy

kasi naman pare.. mag girlfriend ka na para di ka naiinggit...

oo nga...

hmm madaling sabihin yun... pero wala pa akong mahanap e...

wag kang mag alala tinabihan siya ni Sandy... ihahanap ka namin di ba guys...

oo tama...

haha kayo talaga... salamat ha

konting make over lang sayo for sure gugwapo kang katulad ko

wag n kung magiging katulad mo lang

haha....

nakalipas na ang isang linggo at kalahati....

while fishing...

angb bilis ng araw uuwi na tayo bukas...

oo nga...

malapit na din ang pasukan

di na naman tayo magkikita masyado

dont worry my saturday... sunday naman e...

nilapitan ni Carlos si Alex... ano ready ka na ba mamaya?

oo...

sige... ako na bahala sakanya...

sige... salamat ha

wala yun bro...!

ui! parang may nahuli ako...sabi ni Sandy

hilahin mo...sabi ni Dick

ang bigat e...

teka tulungan kita...sabi ni Alex... oo nga ang bigat... yung tatlo nakaabang lang

ayan! ayan! malapit na...excited na sabi ni Kathy

pagtaas ng pangkawil

ngek!

haha.. natawa ang lahat... kasi ang akala nilang fish... rubbershoes pala haha

niloloko mo lang pala kami e...

hindi ko naman alam e hahaha

Music of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon