goodbye picture

43 1 0
                                    

Alex's POV

siguro eto na yung time para kalimutan na kita... sorry ha... mahal ko na siya... ewan ko ba kung anong meron siya bakit mahal ko siya... siguro ganon talaga pag nagmahal ka kahit walang dahilan nagmamahal ka... sorry ha... hindi ko na tutuparin ang pangako ko sayo na hahanapin kita at gagawin ko ang lahat para mapasaakin ka pasensya na gusto ko ng magmahal ngayon ng totoong tao hindi yung sa picture ko lang nakikita... salamat sa lahat ha hindi kita malilimutan... tinago ang picture sa isang maliit na kahon at nilagay sa kailalim ilaliman ng drawer...

gabi na pero di pa rin ako makatulog naiisip pa din kita Sandy... ako kaya naiisip mo... lumabas sa may balcony... nakita si Celine....

Celine!

oh kaw pala!

star gazing tayo!

sige kelan?

now!

now!

oo hintayin mo ko pupunta ako diyan sa inyo... gabi na pero nagsisigawan pa sila magkatapat kasi ang bahay nila...

wait bubuksan ko ang gate!

wag na! wait mo nalang ako diyan!

ha?

nag akyat bakod lang naman ang pasaway na si Alex... katulad dati umakyat sa puno para makaakyat sa balcony nina Celine...

grabe may lahing pusa ka ba? ang bilis mong umakyat ha

haha... ready mo na yung telescope... nagtitingin ng stars gamit ang binocular...

eto na oh...

yan... habang inaadjust ang lens bumaba si Celine para ipagtimpla ng coffee si Alex.. pag akyat niya...nakasilip sa telescope si Alex

Celine tingnan mo oh kitang kita ang mga constalations... ang ganda...

(ang saya naman nito... pumunta siya dito para lang magstar gazing with me...) patingin nga!...oo nga ang ganda

nakikita mo yung maningning na star na yun sabay turo sa star

hmm bakit naman?

kasi kasing taas ng star na yun ang pangarap ko

(kasama ba ako don sa pangarap mo...)

ikaw alin ang star mo?

ako?

yung star sa gitna noong 3 star na magkakatabi?

bakit?

kasi dalawa lang naman ang pangarap ko e

ano?

ang maging successful pagdating ng panahon at makasama ang mahal ko habang buhay (at ikaw yun... alam mo ba yun...)

alam mo ang swerte ng taong mamahalin mo

swerte talaga siya kasi... (nagpapakatanga ko para sa kanya)

kasi ano?

kasi maganda ako haha hirap na atang makakita ng taong mas gaganda at babait pa sa akin

hindi din

hmm bakit may nakita ka na bang higit sa akin?

Sino si Sandy?

ngumiti... oo

bigla nalang tumulo ang luha niya

napatingin kay Celine... oh! bat umiiyak ka?

ha? hindi ha napuwing lang ako

patingin nga.... hinipan ang mata ni Celine

okay na ako (ayoko na atang umasa sayo... sobrang sakit na kasi) umihip ang malakas na hangin...

ang lamig... pahug nga...niyakap si Celine

(paano ako magmomove on kung ganito ka kasweet... nagbago na ata ang isip ko i will still fight for you... at hindi ako papayag magpatalo)

sige... matulog ka na goodnight...

sa school... may dance competition... interpretative dance by department...sina Sandy at Carlos ang pambato ng Fine Arts department... kaya naman...

sali tayo sa contest

ha?

sige na

natatakot ka bang si Sandy ang kalaban natin

hindi no

hmm takot ka lang siguro kasi mas magaling sumayaw sayo si Carlos

hindi no

di sali tayo

hmm pero

magpapalista na ako ha... sabay alis

napakamot sa ulo si Alex.

kasali din pala kayo sa contest...

si Celine kasi e...

haha masaya yun goodluck sa atin galingan mo sumayaw ha... hehe... so bawal muna tayong magkita for two weeks lang naman para wala silang masabi tsaka para makapagpractice tayo ng maayos syempre di kami magpapatalo sa inyo haha

ganon nga ang nangyari...naging mas close ang mga magpartner na sina Celine At Alex.. sina Carlos at Sandy naman noong una nagkakailangan pero nawala din yun at mas gumanda nga ang practice nila kasi kilala nila ang isat isa kaya di naglaon naging comfortable sila sa isat isa pati sa galaw nila at dance

Music of HeartTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon