Author's Note:
Ang anumang pagkakahalintulad ng mga pangalan ng personalidad, lugar, insidente at paniniwalang nabanggit sa kwento ay walang kinalaman at walang kahit na anong kaugnayan sa totoong buhay. Ito ay pawang produkto lamang ng malikot na imahinasyon ng may-akda.
Authors POV
Isang particular na lugar sa Samar ang malimit lamanin ng usap usapan ng mga mamayan ng Pagsanhan sa Samar. Ayon sa mga kwentong nagpasalin-salin sa mga matatandang pantas, ito ay ang tinaguriang Biringan City o mas kilala sa bansag na Itim na Siyudad. Sa lokal na diyalekto ng mga Waray ito ay nangangahulugang "hanapan ng mga nawawala".
Pinaniniwalaan ng mga lokal na mamayan na ito ay matatagpuan sa pagitan ng Gandara, Tarangnan at Pagsanhan sa Samar. Mangilan-ngilan lamang ang nakakaalam at tikom pa ang bibig ng karamihan dahil sa takot at pangambang sila'y bawian ng mga taga-Biringan.
Ayon sa mga saksi ang Biringan City ay isa sa maituturing na pinakamaganda at pinakamaunlad na siyudad dahil punong -puno ito ng makukulay na ilaw na nagmumula sa mga nagtatayugan at kagilagilalas na mga imprastrakturang ngayon mo pang lamang masasaksihan sa buo mong talambuhay. Itinuturing ito bilang pinakasibilisadong siyudad sa buong bansa.
Alex POV
Umuungol ang hangin, mahahabang kidlat ang gumuguhit sa kalangitan at kasunod na umaalingaw-ngaw ang malakas na kulog kasabay ng paghampas ng malalaking butil ng ulan. Binalot na ng lamig ang aking katawan at halos 'di mo matanaw and paligid dahil sa kapal ng hamog.
"Kuya, may bagyo ba" ani ni Jen, ang aking nakababatang kapatid. "Wala naman daw ayon kay Kuya Kim" walang interes na sagot ko habang pilit na inaaninag ang labas.
Dahil sa lakas ng ulan biglang nawalan ng kuryente ang kabuuan ng Pagsanghan kaya't pinili ko na lang humilata at talaga namang masarap matulog ngayon dahil malamig.
"Kuya Lex, makinig na lang tayo sa Gabi ng Lagim" pangungulit ni Jen. "Sige, bahala ka" tugon ko bilang pagsang-ayon. Ang hilig hilig makinig ng kwento ng kababalaghan pero kunting kalabog lang halos maihi na sa salawal, napahalukipkip na lang ako sa sarili kong pagbabalik-tanaw.
Nakarinig ako ng mariing yapak senyales na tumayo nga si Jen at patutunugin ang radyo naming di-baterya. Mahilig kasi kaming makinig ni Jen sa radyo tuwing ganitong panahon at wala pang kuryente.
"Yun ohhh saktong-sakto" si Jen na napapalakpak sa sobrang kasabikan. Dali-dali syang lumapit sa akin at sumiksik sa aking kumot na parang bata, sabagay bata pa naman sya.
BINABASA MO ANG
Itim Na Siyudad
Mystery / ThrillerMinsan ba'y nakarinig ka na ng usap-usapan at bulung bulungan patungkol sa Misteryo ng Nawawalang Siyudad. Interasado ka ba? Pag oo'y mag-iingat ka dahil baka pagmulat ng iyong mga mata ,sila ang una mong makita. Kaya kung ako sayo sarilinin mo na l...