New Character's POV
Nang makaahon ako sa pangpang ay hindi ko mabatid ang dapat kong gawin. Ngayon ko lang kasi naranasan ang magligtas ng nalunod. Dahil sa kaba ay naisipan ko na lang gayahin ang ginagawa ng karamihan sa napapanuod ko tuwing may nasasagip sila lulan ng pagkalunod.
Lumuhod ako sa kanyang bandang gilid at yumuko upang ilapit ang aking tainga sa pagitan ng kanyang ilong at bibig. Pagkatapos ay pinakinggan ko ang kanyang dibdib kong huminga pa ba siya.
Agad kong nilagay ang aking daliri sa kanyang leeg ng ilang segundo upang pakiramdaman ang kanyang pulso. Kagyat akong binalot ng kaba at pagkabalisa sapagkat 'di na ito tumitibok.
Mag-isip ka dali!!!!!!!
Mag-sip ka dali!!!!!!!
Mag-isip ka dali!!!!!! bulalas ko sa aking sarili habang sapong-sapo ang aking noo.
Isang malalim na buntong hininga ang pinakawalan ko matapos kong maalala ang ginagawa ng mga taga-patag sa tuwing may malulunod. Inilagay ko ang sakong ng isa kong kamay sa kanyang noo at ang isa naman ay sa kanyang baba upang maiangat ito ng kaunti.
Matapos maiangat ay pinanatili ko ang isa kong kamay sa kanyang baba samatalang pinisil ko naman ang kanyang ilong gamit ang hintuturo at hinlalaki ng kabila kong kamay.
Pagkatapos mapisil ay nagpakawala muna ako ng malalim na hininga at tsaka ko inilapat ang aking bibig sa kanya at binigyan siya ng katamtamang hangin. Sa gitna ng aking pag-ihip ay napapansin ko ang kakaibang pag-angat ng kanyang dibdib. Matapos nun ay iniligay ko ng magkapatong ang aking mga kamay at unti-unting idiniin.
Dalawang beses ko ring inulit-ulit ang prosesong iyon at sa kahuli-hulihang pagdiin ay siya namang pagbulwak ng tubig mula sa kanyang bibig. Huli na ang lahat para umilag kaya't heto ako't parang isang mandirigmang sinuong ang sandamakmak na labig (laway na may tubig).
Tila isang asong nagngangalit dahil naagawan ng anak kaya't 'di ko na namalayan ang malakas na pagdampi ng aking kamay sa kanyang dibdib.
"Ano ba!!!!!! Kadiri ka!!!!" habang dali daling tumayo at lumusong ng kaunti sa pangpang upang maghilamos.
Pagbalik ko ay medyo nahimasmasan naman na siya ngunit sadyang malaki ata ang naging dating ng nangyari sa kanya at halos panawan na siya ng bait sa kakatitig sa kawalan.
Sadyang kalunos-lunos ang kanyang sinapit at mababakas mo ang hirap na dinanas niya dahil sa ilang naiiwang bakas ng mahigpit na pagyapos sa kanyang mga binti, kamay at paa.
Tinititigan ko lang siya at masinsinang sinusuri ang bawat pagpatak ng maliliit na butil ng tubig sa kanyang buhok na kalaunay aagos sa kanyang mukha pababa sa kanyang katawan.
Kapansin-pansin ang natatanging kulay ng kanyang kutis na naiiba sa lahat ng taong nakasalamuha ko, ang kanyang natatanging tikas at tindig. Nakakaakit din ang kulay ng kanyang mga labi na pulang pula't mamasa-masa at kulay ng kanyang mga.................
"AHHHHHHHHHHH" isang malakas na sigaw ang binitiwan ko at dagliang pag-iwas ng tingin matapos kung masilayan ang bahaging iyon. Tila may kakaibang sensayong bumalot sa aking katawan at pakiramdam ko'y saglit akong nawalan ng buhay. Nakakatakot!!!!!
Ramdam ko pa rin ang patuloy na pagbilis ng tibok na aking puso at ang pagpatak ng mga butil ng pawis na sinlamig ng yelo.
"Ano yun!!!!!!"
"Namamalikmata ba ako" sabay tampal at kurot sa aking sarili
Unti-unti kong ibinalik ang aking paningin sa kanya at laking gulat ko'y wala na ang aking nakita at para siyang inosenteng batang nakatingin sa akin.
BINABASA MO ANG
Itim Na Siyudad
Misterio / SuspensoMinsan ba'y nakarinig ka na ng usap-usapan at bulung bulungan patungkol sa Misteryo ng Nawawalang Siyudad. Interasado ka ba? Pag oo'y mag-iingat ka dahil baka pagmulat ng iyong mga mata ,sila ang una mong makita. Kaya kung ako sayo sarilinin mo na l...